Advertisers
Patuloy si Senator Christopher “Bong” Go sa pagbibigay ng tulong sa mga komunidad na apektado ng pandemya sa buong bansa, ang huli ay ang tatlong araw na pamamahagi ng ayuda sa San Fernando City, Pampanga mula Agosto 1 hanggang 3.
Sa kanyang video message, muling iginiit ni Go na nananatili siyang nakatuon sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihinang sektor at pagtataguyod ng kapakanan at interes ng mamamayang Pilipino sa mga mapanghamong panahong ito.
“Mga kababayan ko, gagawin ko po ang lahat sa abot ng aking makakaya na makapagbigay ng tulong at makapag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati. Kung may kailangan po kayo, huwag po kayong mahiyang magsabi dahil ang bisyo ko po talaga ay magserbisyo,” ani Go.
Muli ring nanawagan ang senador para sa mas mahigpit na pagsunod at pagbabantay sa mga health preventive measures habang pinaalalahanan niya ang publiko na huwag maging kampante sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.
“Patuloy po ang ating pagbabakuna kaya kung eligible na po kayo at hindi pa po kayo bakunado, nakikiusap po ako na magpabakuna na po kayo. At kung bakunado na po kayo, huwag pa rin po kayong maging kumpiyansa dahil andiyan pa rin po ang COVID-19.”
“Tulungan niyo po ang gobyerno at ang ating mga medical frontliners na ma-attain ang herd immunity. Ang bakuna po ang tanging susi sa ngayon para makabalik tayo sa normal nating pamumuhay,” dagdag niya.
Ang pangkat ni Senator Go ay namahagi ng mga pagkain at mask sa kabuuang 2,500 mahihirap sa Heroes Hall sa San Fernando City. Bilang karagdagan, namigay sila ng mga bisikleta, computer tablet at sapatos sa mga piling indibidwal.
Samantala, ang Department of Social Welfare and Development ay nagpaabot ng tulong pinansyal sa mga residente upang matulungan silang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan hanggang sila ay makabangon mula sa mga hamon na dulot ng pandemya.
Upang matiyak na natugunan ang kanilang mga medikal na alalahanin, hinikayat ni Go, na patuloy na nagsisilbing tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography, ang mga may isyu sa kalusugan na gamitin ang mga serbisyong makukuha sa Malasakit Centers na matatagpuan sa Jose B. Lingad Memorial Regional Ospital sa lungsod at Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa Angeles City.
Pinuri ni Go ang mga lokal na opisyal ng lalawigan sa pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan, lalo na sa gitna ng pandemya.