Advertisers
ISINUSULONG ni Senador Mark Villar na maimbestigahan sa Senado ang pagtaas ng presyo at kakulangan sa suplay ng ilang bilihin.
Sa kanyang inihaing resolusyon, sinabi ni Villar na dahil sa mataas na halaga ng mga bilihin mas lubhang nahirapan ang mga mahihirap sa bansa.
Nangangamba umano ang senador na magdudulot ito ng pagkagutom sa masa na labis nang naghirap dahil sa pandemya.
“Ako ay naghain ng resolution dahil sa mga ulat na nakarating sa atin na may posibilidad na magkukulang ang supply ng canned goods tulad ng sardinas resulta ng price increase sa tin plates, kamatis at iba pang raw ingredients,” ani Villar.
Pinuna na rin niya ang anunsiyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na agahan na ang pagbili ng mga konsyumer ng kanilang ‘Noche Buena goods’ para maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga ito.
Binigyang-diin pa ni Villar na napakahalaga na stable ang presyo ng mga bilihin sa usapin naman ng seguridad sa pagkain. (Mylene Alfonso)