Advertisers

Advertisers

PANUKALANG MAGPAPALAWAK SA SAKLAW NG SPECIAL EDUCATION FUND, MULING INIHAIN NI SEN. BONG GO

0 133

Advertisers

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.




Isinusulong ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang batas na palawakin ang saklaw ng Special Education Fund (SEF) para sa iba pang pangangailangan ng public education system.

Muling inihain ni Go ang Senate Bill No. 1190 para sa dagdagan ng isang porsyento (1%) Special Education Fund tax sa iba pang items na may kaugnayan sa edukasyon, gaya ng pagtatayo at pagkukumpuni ng mga silid-aklatan, at pagbabayad ng suweldo at iba pang mga benepisyo ng teaching at non-teaching personnel, at iba pa.

Sinabi ni Go na ang panukalang amyendahan ang Republic Act No. 7160 o ang “Local Government Code”, na lumikha sa SEF, ay upang magamit ang pondo ng mas maluwag at ma-maximize ng LGUs ang kanilang resources para mag-adopt ng bagong education policies at learning techniques na kinakailangan sa panahong ito.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang SEF ay maari nang gamitin para sa operation at maintenance ng public schools, at sa construction at repair ng school buildings at libraries, facilities at equipment. Maari rin itong gamitin para sa suweldo, allowances at iba pang mga benepisyo ng mga guro at non-teaching personnel, at competency trainings para sa teaching personnel.

Sa pamamagitan ng expansion ay papayagan din ang paggamit sa pondo para sa operasyon ng Alternative Learning System (ALS), kabilang na ang suweldo, allowances at iba pang benefits ng ALS facilitators, educational research, pagbili ng mga libro at periodicals, teaching aids, at iba pang instructional materials.

Ang mga sports development at lahat ng iba pang gastusin na may kaugnayan sa pagsusulong ng accessible public education na tukoy at inaprubahan ng local school board ay maari ring pondohan sa pamamagitan ng SEF kung maisasabatas ang panukala ni Go.



Ang nabangit na panukalang batas ay isa sa mga legislative priorities ng Department of Education.

Ipinaliwanag ni Go na ang dahilan ng pagsusulong sa panukala ay upang makaasa ang mahihirap na LGUs sa SEF upang ma-sustain ang pangangailangan ng kanilang sa local education system. Gayunman, ang problema ay limitado lamang ang mga gastusin kung saan maaring gamitin ang SEF.

“It is the poor LGUs that are hardest hit by this restriction. Nandyan naman po ang pondo, kailangan lang mabigyan natin ang LGUs ng flexibility para magamit ito upang maisaayos ang kanilang local education programs lalo na sa panahon ngayon,” paliwanag ni Go.

“Kailangan mag-adopt ng makabagong mga polisiya upang makapagpatuloy ng pag-aaral ang kabataan sa paraan na hindi sila mailalagay sa alanganin dahil sa pandemya,” pagbibigay diin pa niya.

Bukod sa pag-adopt ng bagong educational policies sa gitna ng umiiral na COVID-19 pandemic, binigyang diin ni Go na ang pagpapalawak sa paggamit ng SEF ay makatutulong sa public education system upang mapataas ang bilang ng graduates sa kabila ng mga reyalidad na kinakaharap ng mga mahihirap na estudyante.

“Malaking tulong na libre ang tuition pero marami pa ring hindi nakakapagtapos dahil sa kakulangan ng pera para sa mga pangangailangan sa pag-aaral tulad ng notebooks, uniporme, at iba pa. Bukod sa libre makapasok sa eskwelahan, kailangan mabigyan rin ng sapat na tulong ang mga mahihirap na makapagtapos ng kanilang pag-aaral,” sabi pa ni Go.

“Gamitin lang po ng tama ang pondong mayroon tayo para mas matulungan ang mga nangangailangan. Every centavo counts. Wala po dapat manakaw o masayang,” pagbibigay diin ng mambabatas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More