Advertisers

Advertisers

Angelica kahit pangit ang ugali, pakakasalan ng ama ng anak

0 233

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA latest vlog ng Kapamilya actress turned first time mom na si Angelica Panganiban ay may ibinida ito.
Ipinagwagwagan ni Angelica ang kanyang singsing na may pagmamalaki na siya ay engaged na sa non-showbiz partner.
Noong ika-4th month ng pregnancy ni Angelica nag-proposed si Gregg Homan.
Ayon nga kay Angelica na kahit pangit ugali niya ay mayroon pa rin daw nagmamahal sa kanya, si Gregg.
Kasalan na ang next ng engagement ring na ibinida ni Angelica sa kanyang vlog.
Umani ng sangkatutak na pagbati mula sa kanyang friends at fans si Angelica.
Walang pagsidlan ng tuwa si Angelica sa panibagong journey ng kanyang buhay nito.
Itinuring ni Angelica na blessings ang mga dumarating na maganda sa kanyang buhay.
***
Iya humirit pang madagdagan ang 4 na anak
MUKHANG sa post ni Iya Villania na more baby pa ay nakaisip ang netizens na humihirit pa ito.
May apat na anak na nga si Iya at ang bunsong si Astro ay mag 4-months pa lang.
Kung dati ay marami silang helpers ngayon ay mas dumami ang kanilang anak ni Drew Arellano.
Nagbalik tanaw si Iya na dati noong maliliit pa ang dalawang supling ay talagang habulan sa paliligo at mismong si Iya ang nagtu-toothbrush sa mga anak.
Pero ngayon ay carry na ng dalawa na magbihis at mag-toothbrush ng sarili nila.
Dagdag pagbibida pa ni Iya ay nakatutulong na sa gawaing bahay ang dalawang anak.
Kumbaga, di na sila tinututukan pero dapat alagaan pa at palaki na rin si Alana at 4 months old na ang bunsong si Astro.
Kung dati nga raw ay nagpaplano sila ni Drew ng pamilya at nakitang masaya pala ang marami kaya sa post nitong more babies to come ay napaisip ang netizens na humihirit pa ito na madagdagan ang kanilang tsikiting.
Well, well, well… ‘Yun na!