Advertisers

Advertisers

Vince Rillon nagreak sa isyu ng extra service

0 365

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

TULUY-tuloy lang ang hatid na kilig ng primetime hit serye, ang “Start Up PH” sa pangunguna nina Alden Richards at Bea Alonzo.
Marami ang nagsasabing may chemistry ang dalawa at sabik na silang makita sina Bea at Alden sa big screen. Remember may gagawin silang movie, ang ‘Memories To Remember” na pansamantalang natigil dahil sa inuna muna ang serye ng dalawa.
Tsikang hindi raw naiwasan ni Bea na kiligin din sa kaguapuhan ng kanyang leading man na si Alden, how true?
“Oo naman! Sino ba namang hindi? ‘Pambansang Bae’ ito. Tsaka guwapo si Alden, tapos the way he looks at you, parang nakakatunaw paminsan,” say ni Bea.
But then, iba pa rin ang tinitibok ng kanyang puso, si Dominic Roque. Sa palagay kaya ni Bea ‘he is the one’ na for life?
“Oo naman. Sana, sana. Siyempre hindi na tayo naglalaro,” dagdag ni Bea.
***
MASAYA si Vince Rillon sa takbo ng kanyang showbiz career sa pangangalaga ng Vivamax. Ngayon ay may lead role na siyang ipalalabas sa lahat ng Vivamax apps simula sa Oct. 21, ang “Tubero” na makakasama niya sina Angela Morena, Jem Milton, and Alona Navarro. Directed by Topel Lee and co-produced with APT Entertainment.
Ang “Tubero” ay istorya ng pagmamahalan na gagawin ang lahat para mapaligaya ang taong mahal kahit pa manggamit at makasira ng dangal ng isang nilalang.
Sa kaso kaya ni Vince, kaya niya kayang magbigay ng extra service kapalit ng salapi kahit mayroon na siyang pinangangalagaan at mahal na partner?
“Para sa akin, ‘yung mga nag-ooffer ng extra service, they are either a blessing or a mistake, kasi siyempre bago mo i-purchase ‘yung extra service na ‘yun kailangan mo talagang pag-isipan ng madaming beses kasi hindi biro na alam mo ‘yun, ia-avail mo ‘yung extra service. Lalo na sa story na ‘to. There’s nothing wrong naman kung go-go ka sa extra service, basta sa huli wala kang pagsisihan at dapat buo ‘yung desisyon mo para gawin ‘yung extra service na ‘yun,” say ni Vince.
At ano naman kaya ang say niya sa mga taong kinakarir ang extra service?
“If ‘yun ‘yung diskarte ng ibang tao na mag-extra, so– kasi doon naman nila nakukuha ‘yung kailangan nila for everyday, so wala tayong kailangan masabi or ma-judge laban sa kanila,” dagdag na say pa ni Vince.