Advertisers
NASAWI ang isang opisyal ng barangay nang pagbabarilin sa Maguindanao Del Sur.
Kinilala ang biktima na si Norson Utto, kapitan ng Barangay Dansalan, Rajah Buayan, Maguindanao Del Sur.
Ayon kay Sultan Sabarongis Chief of Police, Major Michael Ameril, abala si Utto sa paglilinis ng kanyang motorsiklo sa bahagi ng Crossing Badal Sultan Sabarongis Maguindanao Del Sur nang pagbabarilin ito ng mga hindi kilalang salarin gamit ang kalibre.45 na pistola.
Agad tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng bayan ng Mamasapano sakay ng motorsiklo.
Agad binawian ng buhay ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Sultan Sabarongis PNP sa krimen.