Advertisers

Advertisers

Kris tapos na ang gamutan sa Houston, lumipat na ng LA; Sunshine at Macky hiwalay na o ‘di pa?

0 216

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISA sa napag-usapan sa online show nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika na Showbiz Now Na, ang kalagayan ni Kris Aquino, na ayon kay tita Cristy, ay tapos na ang gamutan ng TV host-actress mula sa kanyang karamdaman.
Ayon sa source ni tita Cristy, lumipad na si Kris mula Houston, Texas patungong Los Angeles, California para roon na ito magpagaling kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby.
Sabi ni Cristy,”At kinukumpirma po ng aming mga source na nasa LA na po talaga si Kris Aquino. Doon na po muna sila titira ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby at doon na raw muna siya magpapagaling. So ibig sabihin, tapos na ‘yung misyon at proseso sa Houston… Alangan namang magpabalik-balik pa siya from California to Texas.
“Noon kasi, sobra ang pagwo-worry at pag-aalala ng sambayanang Pilipino. ‘Yung kanyang itsura, pagka-payat payat. Tapos kung ikwento pa niya ‘yung kanyang sakit, padagdag nang padagdag. Kaya ang daming nagtataka ngayon. Bakit mula doon, nandito na ngayon sa LA. Parang ang bilis,” dagdag pa niya.
“Kung sakali man po na siya ay nakaligtas na sa ipinag-aalala nating sakit, lahat tayo maligaya pero kailangan ng paliwanag,” ayon pa kay Cristy.
***
NOONG Linggo, October 9 ay nagbahagI si Sunshine Cruz ng isang quote sa kanyang FB page. Aniya, “Some people are only meant to stay in your heart not in your life.”
Sabi naman ng aktres sa caption, “People come and go, it may be hard to understand why things happen unexpectedly.
“For some of us, letting go of someone you loved with all your heart can definitely give us so much pain and sadness but in life, there are some things we cannot control,” sabi niya.
“What matters is the lesson we learned, the love that was shared and the wonderful memories that will always be in our hearts. Life goes on. A blessed Sunday to all.”
Sa Facebook post na ito ni Sunshine, may mga nagsasabi tuloy na mukhang totoo nga yung mga lumalabas na balita na hiwalay na sila ni Macky Mathay.
Well, sana ay hindi pa hiwalay sina Sunshine at Macky, na may pinagdadaanan lang sana sila sa kanilang relasyon.