Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
ANG talented na singer/songwriter na si Sarah Javier ay muling nominado sa darating na 13th PMPC Star Awards for Music na magaganap this coming Wednesday, sa Newport Performing Arts Theater.
Ito ay para sa kantang Ihip ng Hangin, sa kategoryang Inspirational Song Of The Year.
Dahil dito’y nagpahayag siya ng kagalakan. Aniya, “Masaya po ako dahil isang malaking karangalan ang ma-nominate rito sa Star Awards for Music at mahanay sa magagaling na alagad ng industriya ng musika.”
Tungkol saan ang kanyang kantang nominado sa Star Awards for Music?
Tugon ni Ms. Sarah, “Ang Ihip ng Hangin ay isang kanta na tumatalakay sa mga naranasan natin nitong pandemya na bagama’t lahat tayo ay nahirapan, mayroon pa rin tayong Diyos na maaasahan, basta’t manalangin ka lamang.”
Ito ang ikalawang pagkakataon na na-nominate siya sa Star Awards for Music. Noong una ay para sa Sana Ngayong Pasko sa katagoryang Revival Song Of The Year.
Nalaman din namin na ang latest single niya ay ang Happy Anniversary na kasalukuyan niyang ipino-promote.
“Yes po tito, ako po ang nag-compose nito. And my music arranger is none other than Elmer Blancaflor. He has always been of great help to my music.
“Ang Happy Anniversary po ay ginawa ko para po sa asawa ko because we are celebrating our 25th year anniversary. And ‘di ba po kapag may birthday, may kanta tayo for happy birthdays. As well as Christmas songs para sa Pasko, pero kapag anniversary po ay kanya-kanyang theme song po. Kaya, I wrote Happy Anniversary para sa mga nag-a-anniv ng daily, weekly, yearly, endlessly… So lahat na po ng anniversary sakop na niyan,” nakangiting sambit pa ni Ms. Sarah.
Inusisa rin namin ang tungkol sa pelikula nilang Katok ng AQ Prime.
“Yes, tapos na po ang Katok, it’s another horror film by AQ Prime, directed by Joven Tan and ang bida po rito ay si Ara Mina.
“Bit role lang din po ako rito. Isang marites, hahaha! Abangan po nila, kaya mag-download na po sila ng app ng AQ Prime!” Masayang bulalas pa ni Ms. Sarah.