Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagtanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping na bumisita sa China.
Pahayag ng Office of the Press Secretary, ang imbitasyon sa pangulo ay isang state visit at mangyayari ito sa January 3 hanggang January 5 o January 6.
Inanunsyo ito ng Malakanyang habang dumadalo ang Pangulong Marcos sa ginaganap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders Summit sa Cambodia kung saan nandoon din dumadalo si Chinese Premier Li Keqiang. (Vanz Fernandez)