Advertisers

Advertisers

Joana David atat sa hotness nina Derek Ramsay at Gerald Anderson

0 364

Advertisers

ANG newbie sexy actress na si Joana David ay mapapanood sa kanyang debut movie na Pamasahe na tinatampukan ni Azi Acosta.
Palaban sa hubaran sa pelikula si Joana, siya’y talent ni Lito de Guzman at naging Playboy Playmate of the year noong 2019.
Nabanggit ng newcomer ang mapapanood sa kanya sa pelikulang ito, “Ang role ko sa movie ay isang prostitute. Kami iyong mga babaeng umaakyat sa barko para magbigay aliw sa mga kalalakihan.”
Kuwento pa ni Joana, “Si Alvaro Oteyza ang ka-love scene ko rito, ang role ko rito ay si Cindy, bale isang pokpok na ipinapadala sa barko para sa mga seaman.
“Isa lang po ang love scene namin sa movie, pero sa palagay ko ay exciting po ito… bale, iba-iba kasing position ang ginawa namin ni Alvaro, eh.”
Ano sa palagay niya ang mararamdaman ng makakapanood ng Pamasahe, kapag nakita nila ang mainit na love scene niya rito?
“Nasa kanila na yun kung ano iisipin nila, pero trabaho lang talaga ito sa akin. Pero sa tingin ko po ay mag-iinit ang viewers at mag-eenjoy sila, lalo na yung mga mahihilig na boys, hehehe!” Natatawang pakli pa ni Joana.
Sino sa mga local actors natin ang naseseksihan siya nang husto?
“Sina Gerald Anderson at Derek Ramsay po,” matipid na sagot niya.
Bakit sina Gerald at Derek ang sexiest actors para sa kanya?
“Ang popogi kasi nila at silang dalawa ay magaling na actor. Plus, kitang-kita naman ang ganda ng katawan nila pareho, yummy at sexy sila both… kumbaga, makalaglag panty ang tipo nina Gerald at Derek, eh.
“Lalaking-lalaki ang tindig nina Gerald at Derek, barakong-barako talaga, kaya suwerte ang mga dyowa nila, hahahaha!,” wika pa ni Joana sabay bulalas ng tawa.
Ang Pamasahe ay mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez. Jr. at ang world premiere nito ay ngayong December 9, exclusively on Vivamax.
Tampok din sa pelikula sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Julio Diaz, Rash Flores, Chadd Solano, Shiena Yu, Shirley Fuentes, at marami pang iba.