Advertisers

Advertisers

PBBM namahagi ng pamasko at kabuhayan sa mga katutubo at pulubi

0 129

Advertisers

ITINAGUYOD ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. nitong Huwebes ang diwa ng pagkakaisa sa panahon ng kapaskuhan sa pamamahagi niya ng mga regalo sa Pasko at suporta sa kabuhayan sa mga bata at pamilya sa Metro Manila.

Sa pagsasalita sa “Pangkabuhayan at Pamaskong Handog ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayanang Pilipino” sa Open Amphitheater sa Rizal Park, Manila, sinabi ng Pangulo na malalampasan ng bansa ang kasalukuyang mga hamon kung magkakaisa at magtutulungan ang mga Pilipino.

Pagbibigay-diin na ang Pasko ay para sa mga bata, sinabi ni Pangulong Marcos na inorganisa ng kanyang pamahalaan ang kaganapan nitong Huwebes upang madama ng mga bata ang diwa ng Pasko, sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang mga pamilya.



Sa pamamagitan ng gift-giving event, sinabi ni Marcos na maaaring magkaroon ng kaunting pahinga ang mga pamilya sa panahon ng bakasyon at madama na may mas magandang kinabukasan sa kabila ng kasalukuyang mga hamon.

“Aanyayahan ko rin pala kayo [dahil] binuksan namin ang Palasyo, ang Malacañang para ‘yung mga nag-aantay mag-Simbang Gabi pwede mag-standby muna doon sa amin… So nakabukas mula alas siyete ng gabi, hanggang mga 4:30 ‘pag Simbang Gabi na,” binigyan diin ng pangulo.



“‘Yung mga bata, I’m sure masisiyahan at may konting pakain. Kaya’t welcome kayong lahat. Bukas na ang Palasyo,” dagdag pa niya.

Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang “Pangkabuhayan at Pamaskong Handog ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayanang Pilipino” caravan na para sa mga street dwellers at IP beneficiaries, ayon sa DSWD.



Bawat adult beneficiary ay tumanggap ng 6 na kilo ng bigas, iba pang grocery items, hygiene kits at cash assistance mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD. Ang bawat benepisyaryo na bata ay tumanggap ng mga food pack at mga gift pack na naglalaman ng mga laruan at libro. (Vanz Fernandez)