Sa premiere night ng “My Father, Myself”… LOVESCENE NINA JAKE CUENCA AT SEAN DE GUZMAN, HIYAWAN AT PALAKPAKAN
Advertisers
Ni JOE CEZAR
HIYAWAN at pinalakpakan nang husto ang love scene sina Jake Cuenca at Sean de Guzman sa pelikulang “My Father, Myself” sa ginanap na premiere night sa Trinoma Cinema 6 kamakailan lang. Walang takot maglaplapan ang dalawang actor sa kanilang maiiinit na eksena. Ang “My Father, Myself” ay isa sa eight (8) entries sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) na mapapanood simula Disyembre 25 sa inyong mga paboritong sinehan.
Ang galing ni Jake sa kanyang papel bilang si Robert, abogadong closet gay. Si Sean naman ang gaganap na lover ni Jake.
Matatandaan, ang gay film na ito ni Jake ay pagkatapos ng “Lihis” noong 2013, nagtambal sila ni Joem Bascon.
Dagdag pa, may mga MMFF entry na kasali ang actor pero hindi siya bida, ngayon bida na siya thru “My Father, Myself”, 2022 MMFF entry ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions sa direksyon ni Joel Lamangan.
Hindi lang sa laplapan scenes magaling si Sean, hindi siya padadaig sa kanilang dramatic scenes ni Jake.
Kung pang Best Actor (s) sina Jake at Sean, pang Best Actress naman ang acting ni Dimples Romana bilang Amanda, asawa ni Jake. Kasama rin sa nasabing pelikula si Tiffany Grey, kahit baguhan magaling ding umarte. Makikipagsabayan siya sa kapwa co-actors sa “My Father, Myself” na mapapanood na simula Disyembre 25.
***
BAGONG TV SHOW NI ATTY. PERSIDA ACOSTA SA 2023, INAABANGAN
HINIHINTAY ng marami ang pagbalik-telebisyon ng mahal ng lahat, ang matapang, masipag at masang-masa na si PAO Chief Persida V. Rueda Acosta.
Bagama’t hindi kinukurpirma ni PAO Chief Atty. Persida na magkakaroon siya ng sariling TV show sa darating na 2023!
Pero kinumpirma nito na may mga offer sa kanya sa ilang networks pero wala pa siyang tinatanggap sa mga ito.
Matatandaan na mayrun siyang TV show, ang “Public Atorni: Asunto o Areglo” na marami siyang natutulungang mahihirap pagdating sa legal assistance.
Habang wala siyang TV show, mapapanood siya thru online show sa Facebook, ang “Persida Acosta Legal Advise (P.A.L.A.) na aabot sa 1 million followers na!
May movie producers ang nais isalin sa pelikula ang kanyang life story.
Nagkausap na sila ni direk Carlo J. Caparas bago ang pandemic, tungkol sa gagawing biopic ni Atty. Persida, titled “Persida”.
Mula noon di pa sila nag-usap ni direk Carlo J. dahil naglagi na sa Cebu ang direktor.
Samantala, if ever alukin na gawin ang kanyang life story sa pelikula, type nito ang new generation of female stars na gaganap bilang siya.
Ilan sa mga suggestion ay tulad nina Barbie Imperial, Charlie Dizon at Belle Mariano.