Advertisers
Ni FAVATINNI SAN
MAY playdate na ang bagong TV series ni Coco Martin na “Batang Quiapo.”
Sa laki ng casting e, sigurado mananawa ang mga taga-Quiapo sa mga artistang sina Lovi Poe, Senador Lito Lapid, mag-amang Pen at Ping Medina, Mercedes Cabral, Ronwaldo Martin, Ms. Charo Santos at iba pa.
Plantsado na ang mga lugar kung saan kukunanan ang eksena. Kaya nangangamba ang mga sidewalk vendor na sana huwag maapektuhan ang kanilang pagtitinda. Huwag itaon sa araw ang teyping. Di ba sa FPJ’s Ang Probinsiyano, taon din ang binilang na ginawang tahanan ni Lola Flora ang barangay hall at mga kapitbahay.
Sa movie version, ang yumaong si Fernando Poe, Jr. at Maricel Soriano, isang blockbuster hit sa TV version, sina Coco at Lovi ang headliners. Sure, mapapanood natin na kakanta si Coco at maraming umaatikabong aksiyon.
May nang-iintriga tuloy, wala na bang materyales para sa series ni Coco, ang yumaong si FPJ ang kanyang kinokopya. Di ba, Ang Panday?
Isa pa, nangangamba na abutin din ito ng pitong taon sa ere (na timing sa 2028 sa Presidential election). Ah, basta lodi ni Papa Coco ang father dearest ni Lovi.
***
PERCY LAPID DAPAT IPAGPATAYO NG BANTAYOG
MULI naming nakita si Attorney Waray also known as Atty.Rogelio Dones Evasco. Kilala siya as “public servant with his pro bono cases at celebrated cases like Chui Massacre, Vizconde massacre, international terrorist, Angelica versus Jojo Veloso, Sunflower Informal Settlers, Subic Drug Lords.
Naging TV host siya ng Direct Line ng RPN9 kung saan kinilala siyang Best Public Affairs Program Host sa 18th PMPC Star Awards forTelevison. Nag-host din si Atty. Waray sa RJTV29, UNTV at radio programs nuon sa DZXL RPN Manila, DZRH, DZEC at DZAR.
Nabanggit ko sa kanya na kasamahan ko sa radio broadcast nuon pang 1994 hanggang sa DWBL si Ka Percy Lapid.
Dumami ang kanyang followers na siya ay nag-live streaming sa FB atYT.
Ano ang masasabi niya kay Percy?
“Dapat siyang ipagpatayo ng bantayog dahil sa kanyang matapang sa pamamahayag. Yung mga pangalan ng mga Scout (Jamboree crush) sa Quezon City, may street signs, ano ba ang ginawa nila?.
“Si Percy, dapat magkaroon din ng ganyan. Kilalanin ang ginawang kabutihan lalo na sa mga kasamahan niyang radio broadcasters at kolumnista sa mga pahayagan.
Bagama’t dindinig ang kaso ni ka Percy sa Department of Justice, umaasa ang lahat na makakamtan ng pamilya Mabasa ang katarungan.
Samantala, si Atty. Waray ang namamahala ng Bolkiah Sports Foundation kung saan may amateur boxers siya na ite-train. Si Flash Murillo ang trainor ng kasabayang boxer ng people’s champ na si Manny Pacquiao.