Advertisers
ISANG babae opisyal ng Philippine Army (PA) ang nagbaril sa sarili sa loob ng banyo ng kanyang quarter sa Fort Bonifacio, Taguig City
Kinilala ang biktima na si 2nd Lt Stephanie R. Rebellon, 25 anyos, nakatagala sa Headquarter ng Civil Military Operation Regiment sa Fort Bonifacio.
Nabatid na sumasailalim sa orientation si Rebellon sa bago niyang tungkuling sa CMOR Civil and Public Affair Center.
Ayon kay Colonel Xerxes Trinidad, spokesman ng Army, 11:00 ng umaga nang matagpuan ang duguang biktima na mayroon tama ng bala sa ulo sa banyo ng kanyang Bachelor Officer Quarter.
Isinugod sa Army General Hospital si Rebellon ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Narekober ang isang Glock 17 caliber 9mm pistol na pinaniniwalaan ginamit ng biktima sa pag-suicide. Kabilang si Rebellon sa Philippine Military Academy “Bagsik Diwa” Class 2022.
Sinabi ni Trinidad na nagsasagawa na ng internal investigation ang Philippine Army kaungay ng insidente. Tiniyak rin ni Trinidad na makikipagtulugan sila sa isinasagawang imbestigasyon ng PNP.
(Mark Obleada)