Advertisers

Advertisers

OPERATIBA NG PNP-DEG TIMBOG SA DROGA

0 216

Advertisers

TIMBOG ang isang aktibong pulis na nakatalaga mismo sa Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa ikinasang buy bust operation sa Sta. Cruz, Maynila, Lunes ng gabi.

Kinilala ang dinakip na si SSG Ed Dyson Banaag, 36 anyos, residente ng Barangay Isidro, Pasay City.

Sa ulat, 9:45 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office – Drug Enforcement Unit (NCRPO-DEU) ang pag-aresto kay Banaag sa bahagi ng Rizal Avenue corner Lope De Vega Street, Barangay 312, District 3, Manila.



Bago maaresto si Banaag, nakipaghabulan pa ito sa mga operatiba nang matunugan na pulis ang kanyang katransaksyon hanggang sumemplang ang minamanehong motorsiklo.

Ayon Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO, dating nakadestino si Banaag sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) bago malipat sa PNP-DEG.



Nakuhanan si Banaag ng 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P150,000.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">