Advertisers

Advertisers

All-out-war vs hoarders, ikakasa

0 122

Advertisers

HINIKAYAT ng Kamara ang Department of Agriculture at DTI na magkasa ng all-out-war laban sa mga hoarder at mapagsamantalang traders ng sibuyas at iba pang produktong agrikultura.

Ito ang apela ni House Speaker Martin Romualdez kasunod ng isinagawang pagpupulong sa Kamara kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Department Trade and Industry (DTI).

Dito, napagkasunduan na ipapagamit sa DA ang 276-million pesos na 2023 budget ng Kadiwa Food Mobilization Program.



Sinabi ni Romualdez na maaring magamit ang pondo upang bumili ng mga aning produkto ng mga magsasaka sa presyong mas mataas sa production cost at ibebenta sa kadiwa sa farm gate price.

Hinimok din ni Romualdez ang mga opisyal ng DA at DTI na tumulong sa isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso laban sa mga nasa likod ng manipulasyon sa supply at presyo ng agri products.



Giit ng House Speaker, kung may mga ulat ng cartel sa sibuyas at iba pang agri products, ipatatawag ang mga ito sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food o kaya’y ipaaaresto sa mga awtoridad. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">