Advertisers

Advertisers

2 motorsiklo nahulog mula sa ikalawang palapag ng mall

0 141

Advertisers

Nasapul sa CCTV ang pagkahulog ng 2 motorsiklo mula sa ikalawang palapag ng isang mall sa Barangay Roxas Village sa Iloilo City noong Sabado.

Base sa kuha, makikita ang mga tao sa labas ng mall na nagtakbuhan nang mahulog ang 2 motorsiklo.

Ayon sa imbestigasyon, naka-park sa parking area ng mall ang mga motorsiklo nang banggain ng isang SUV, dahilan para mahulog ang mga ito.



Maliban sa 2 nahulog, may 4 pang motorsiklo nadamay at binangga rin umano ng SUV.

Nawasak ang 2 motorsiklong nahulog pero wala namang taong naiulat na nasugatan sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">