Advertisers
PATULOY na namamayagpag ang GMA7 bilang most trusted media source na nakakuha ng 48% (Table 1) sa Pahayag Quarter 1 (PQ1-23) survey, na inilabas nitong March 23. Sinundan ng CNN Philippines (43%) at Philippine Daily Inquirer (38%) ang pumasok sa top 3.
ABS-CBN Online (37%), Manila Bulletin (36%), Philippine Star (36%), at TV5/InterAksyon (33%) nakakuha rin ng mataas 30% ratings. Karamihan sa mga news outlets ay nanatiling matatag ang rating maliban sa CNN Philippines na bumaba ng 3% kumpara sa Pahayag 2022 End of the Year (P-EOY 2022).
INSERT Table 1
Samantala, nanatili naman ang mga Social Media at streaming platforms na gamit sa daily news source ng lima hanggang 10 Filipinos sa pamamagitan ng mobile format (Table 2). Bilang frequency na nakikibahagi sa media-related activities, nakakuha ang Print ng 78%, TV 77%, at radio 61%.
INSERT Table 2
Bagama’t karamihan sa nanatiling matatag ang rating, mayroong 3% na pagbaba sa TV bilang isang daily news source kompara sa P-EOY 2022 (Table 3).
INSERT Table 3
Ang Facebook at YouTube ang mas ginagamit na media platforms para sa daily news sa Pilipinas sumunod ang Netflix (71%), Instagram (71), at TikTok (71%) lahat nagtabla para sa ikatlong pwesto.
INSERT Table 4
Ang PQ1-23 ay isang ndependent at non-commissioned survey na isinagaqa ng PUBLiCUS Asia Inc.
Sa pagitan ng March 2 to 6, 2023. Isa itong nationwide purposive sampling survey na binubuo ng 1,500 respondents randomly drawn mula sa market research panel ng mahigit 200,000 Filipinos na pinanatili ng Singapore office of PureSpectrum, isang US-based panel marketplace na may multinational presence. Pinaghihigpitan ang sample sa registered Filipino voters. Ang Samples na ibinigay ng PureSpectrum ay hindi kaakibat ng anumang bias o political party.