Advertisers

Advertisers

Inutos ni Aljur?…AJ pinatanggal na ang silicone sa boobs; Miles nakipaglaplapan sa beki sa movie

0 335

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

IBINAHAGI ni AJ Raval sa kanyang socmed account na natanggal na ang ipinadagdag nito sa kanyang boobs.
Sa larawan ay hawak pa ni AJ ang silicone na ni-removed sa kanyang boobs.
Kita na galing ito sa medical procedure dahil balot ito ng bandage.
Noong 2020 nang magpasiya si AJ na dumaan sa pagpapadagdag ng boobs.
Excited pa siya nang magpadagdag ng boobsy.
Natanong sa kanya kung plano ba niyang ipatanggal ang silicone sa kanyang boobs.
Dapat daw 2022 pa niya plano na ipatanggal ang silicone.
Feeling daw nito ay nakalaya na siya nang ipatanggal na ang idinagdag sa kanyang breast.
Stop na ba sa pagpapa-sexy si AJ o mismong si Aljur Abrenica na bf ng sexy aktres ang nag-suggest.
Ang mahalaga nga raw kay AJ ay proud itong natanggal na ang nagpapabigat sa kanyang dibdib at bumalik na ito sa dati nitong size.
***
VERY professional talaga ang peg nitong si Miles Ocampo mula sa rape scene sa serye, eto’t tumodo na.
Wala na nga itong kiyeme na nakipag- lips to lips.
Kung dati ay pinag-isipan pa nito na makipagtukaan kung may offer aba, now ay talagang itinodo na niya nang bonggang-bongga.
Sa latest project ng gf ni Elijah Canlas na si Miles ay ang dami niyang palaisipan at dahil work naman ay gora na ang peg nito.
Kaya expected na warat ang labi nito sa pagkikipaghalikan.
At kahit sa baklang si KaladKaren ay nakipag-lips to lips daw si Miles.
Di ba raw naasiwa si Miles na pati sa bakla ay pumayag itong makipaglaplapan?
Kailangan for sure sa story at as an artist ay binigyan lang ng justification ni Miles ang kanyang role.
Trabaho lang din naman at besides, inamin ni Miles na madyonda na siya kaya keribel na nito na makipaglaplapan sa eksena.
Well, well, well…Yun na!