Advertisers
“Huwag nang magsayang ng pera.”
Ito ang mariing panawagan ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee sa Land Transportation Office (LTO) bunsod na rin sa pag-amin ng huli na kakapusin na ito sa suplay ng plastic cards para sa iniisyung driver’s license.
“The official receipt should be enough. Huwag na natin dagdagan ang gastos at mag-print pa ng temporary driver’s license na naka-print sa papel lang,” Pagbibigay-diin pa ni Lee.
Ayon sa AGRI party-list lawmaker, “hindi unli and pera ng pamahalaan” at ang pag-iisyu ng temporary licenses ay pag-aaksaya lamang ng pondo bukod pa sa hindi naman ito tamang soluyson sa nasabing problema.
“Masasayang lang ang milyun-milyong papel, ink, kuryente at effort sa pag-print ng mga ito,” giit ni Lee kung saan nagpaalala rin siya sa lahat ng ahensiya ng panahalaan na huwag magwaldas ng pondo.
“This is a call not only for the LTO, but for all card-issuing agencies as well. Kung kaya naman nang patunayan ng official receipt, huwag na tayo gumawa ng temporary card,” pagmumungkahi ng kongresista na tubong-Sorsogon,
“Mas maigi pa na kumilos tayo agad para mapunan ang pangangailangan. Winner Tayo Lahat kung makakatipid ang pamahalaan at makakaiwas sa ‘di mahalagang gastos, dahil magagamit ang pondo sa mas makabuluhang bagay na para sa kapakanan ng mamamayan.” Pagtatapos ni Lee.