Advertisers

Advertisers

Grade 12 na dalagita natagpuan patay sa talahiban

0 144

Advertisers

INAALAM pa ng mga awtoridad kung ginahasa bago pinatay ang isang dalagita nang matagpuan ang bangkay nito sa madamong bahagi sa Tafum city, Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Nike Adriana Kasim, 18, Grade 12 student sa La Filipina National High School, residente sa Barangay Libuganon, Tagum City at isa rin stay-in-worker sa isang spa salon sa Seminary Drive ng nasabing bayan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Edgardo Bernardo, acting chief of police ng Tagum City Police Station, 2:00 ng hapon ng Martes nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi na sakop ng Purok Pine Tree, Barangay Magugpo North.



Sa imbestigasyon ng pulisya, napaulat na nawawala ang biktima simula Sabado (Abril 22) at huli itong nakita sa loob ng isang convenience store sa Mirafuentes Street, Barangay Magugpo.

Tinitignan ng pulisya kung konektado o iisa lamang ang salarin sa paggahasa at pagpatay sa 9- anyos na batang babae noong Huwebes sa magubat na bahagi ng Purok Durian, Barangay Apokon ng nabanggit na lungsod.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">