Claudine type na ang pamangking si Julia ang gumanap sa pagsasapelikula ng buhay niya; Pia katangahan ang pagkalat ng sex video
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
BALIK-PELIKULA si Pia Moran. Isa siya sa cast ng Lola Magdalena. Gaganap siya rito bilang si Luningning, na dating ago-go dancer, na nahumaling sa 28 anyos na si Carlo San Juan sa papel na Daks.
Sabi ng tinaguriang Miss Body Language noong 80’s, gusto niya ang istorya ng pelikula kaya tinanggap niya ito.
Si Direk Joel Lamangan ang direktor ng movie. Siya mismo ang personal na pumili kay Pia para mapasama sa nasabing pelikula.
Sa tanong kay Pia kung payag ba siyang maghubad sa film at kung keri ba niya ang mag-breast exposure, ang sagot niya,”Why not? Breast lang pala, e!”
Samantala, aminado si Pia na kasalanan niya ang pagkalat noong 1990s ng VHS (Video Home System) tape na nakikipagtalik siya sa boyfriend niya.
Pumayag kasi siyang i-videotape ang kanilang pagniniig.
Sabi ni Pia na natatawa,”Ang tanga-tanga, di ba?! Ha! Ha! Ha! Ha!”
“E, anong magagawa ko, nangyari na. Naano ako doon pero nalampasan ko. E anong magagawa ko, nangyari na, di ba?
Kaya naman kumalat ang sex video ni Pia, dahil noong nag-rent siya ng VHS, akala niya ay yun ang binalik niya. ‘Yun pala ang nadala niya ay yung VHS na ang laman ay ang pagsi-sex nila ng dating boyfriend.
“Hindi ko ine-expect na ganun ang mangyayari. Katangahan! Aray ko! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Di ba, nakakaloka?!”
***
HINDI kami aware na okey na rin pala ang magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto. Ang pagkakaalam namin, ang okey lang ay ay sina Claudine at Gretchen.
Sa guesting ni Claudine sa Fast Talk With Boy Abunda noong Biyernes, isa sa mga itinanong ng King of Talk kay Claudine ay ang kanyang kasalukuyang relasyon sa mga ate niyang sina Gretchen at Marjorie Barretto.
Sabi ni Claudine tungkol kay Gretchen: “She never left my side. We don’t get to spend time all the time, but the words of wisdom, her being there, kahit thru phone lang, ang dami kong natutunan…. Dada [Tonyboy Cojuangco], Atong [Ang].”
Ang Dada na tinutukoy ni Claudine ay ang longtime partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco. Si Atong naman ay ang negosyante na malapit kay Gretchen.
Tungkol naman kay Marjorie, ang sabi ni Claudine,”As for Marjorie, we don’t really get to talk talaga, but all is well. We see each other, lunches, dinners, merienda with family.
“We have a big family. We did small talk. That’s good. That’s good enough.”
O di ba, after Gretchen ay nagkaayos na rin pala sina Claudine at Marjorie.
At mukhang naayos na rin ang hidwaan sa pagitan nina Claudien at pamangkin niyang si Julia Barretto. Nang tanungin kasi ni Kuya Boy si Claudine, na kung gagawing pelikula ang buhay niya, sino ang gusto niyang gumanap, ang sagot ng aktres ay si Julia Barretto o Julia Montes.