Advertisers

Advertisers

Bossing Vic ninong sa kasal nina Maja at Maine; Anak ni Jodi napagkamalang si Joshua

0 157

Advertisers

Ni BETH GELENA

PROUD bilang isang ina si Jodi Sta. Maria sa anak na si Thirdy.
Binata na ang anak ng aktres sa ex husband niyang si Pampi Lacson.
Flinex ng aktres ang larawan ng anak na kuha nu’ng graduation ball ni Thirdy na ang pagpapakilala niya ay “binata ko.”
Binata na ang anak ni Jodi at matangkad kaya sambit pa niya, “Oh how you’ve grown!”
Alam ng aktres na maraming humahanga sa anak dahil nakikita raw niya ito sa comment section nang ipost niya ang larawan nila ni Thirdy.
“Flex ko lang yung binata ko. “I love you always, anak.”
Komento ng netizens, ‘gwapong bata to gwapong binata — grabe yorn! “consistent yung pagiging gwapo. mahal ko kayo both!”
“I thought he’s Joshua”
“si gwapong bata eh binata na”
“OMG. He’s grown up to be such a handsome young man with a good heart.”
***
NAKAPANAYAM si Bossing Vic Sotto sa mediacon ng Hanabishi kung saan siya ang ambassasor ng produkto.
Hindi nakaligtas ang host ng Eat Bulaga nang tanungin tungkol sa isyu ng kanilang programa.
Hinihingan siya ng reaksyon tungkol sa interview ng kapatid na si dating Senate President Tito Sotto.
Ayon kay Bossing, “Lahat ng katotohanan nailahad na niya.”
Gayunpaman, isa lang umano ang masisiguro nila at ito ay ang pananatili ng Eat Bulaga.
Hinggil naman daw sa talent fee na utang sa kanila ng Tape, Inc. na P30M, paliwanag niya, “actually mali pa nga yung amount na nasabi… plus plus plus pa yun.”
Kaya raw umabot ng ganoon kalaki dahil matagal na raw iyun.
Hindi rin daw totoong magdedemanda sila.
“Ang gusto lang namin ay maging maayos ang aming programa at umabot kami ng 50 years,” ani Bossing.
Wala rin daw sa isip niya ang magretiro sa showbiz hangga’t nakakapagbigay pa siya ng kasiyahan sa mga tao.
Si Sarah Geronimo ang ambassadress ng Hanabishi kaya looking forward si Bossing na makagawa sila ng proyekto.
Aniya: “May mga naisip na ako kung ano ang aming gagawin tiyak na swak yun. Sana nga matuloy.
Ngapala, ninong si Bossing nina Maja Salvador at Maine Mendoza sa nalalapit na kasal ng dalawa sa kanilang mga fiance na sina Rambo Nunez at Arjo Atayde.
***
PACQUIAO IAAPELA ANG P276M
IAAPELA umano ni Manny Pacquiao ang P276M na pinababayaran sa kanya ng korte.
Naglabas ng official statement si Pacquiao sa pagkatalo niya sa kaso laban sa Paradign Management.
“The decision is still being reviewed by my US lawyers as there is no final judgment yet on the case. While I respect the decision of the jury, I feel that our position on this case was not fully appreciated so I am definitely pursuing other legal remedies so that truth and justice will prevail.
‘A final judgment has not been entered. The court has scheduled a hearing in June and there are still legal issues that need to be addressed before the case is fully resolved. We look forward to the final decision of the court,” kabuuan ng statement ni Pacquiao.
Ayon sa balita na galing sa Amerika, inutusan ng California jury si Pacquiao na magbayad ng humigit-kumulang $5 milyon o humigit-kumulang P276 milyon sa isang sports management firm nang matalo sa kaso ng breach of contract.