Advertisers

Advertisers

Luis nagka-Covid, pinag-iingat ang lahat; Pia nalungkot na ibebenta ang condo na ‘di nagamit ang kusina

0 896

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA latest posted pics ni Pia Wurtzbach sa kanyang socmed account ay ibinahagi nito na ibinebenta na nito ang kanyang condo.
Pagpapatunay pa ng beauty queen actress host na 3 years niya rin naging tahanan ang nasabing condo.
Naging hang out niya ito para magrelax if ever wala siyang commitment.
Kaya sad ito na kailangan na niyang iwan ang condo na 3 years din siyang namalagi.
Pagse-share pa nito na ayaw man niya mawala ang condo ay kailangan naman nitong harapin ang bagong chapter sa kanyang buhay na kailangan na after nito maikasal sa mister na si Jeremy Jauncey.
Need ng Miss Universe na gampanan ang kanyang pagiging wifey kay Jeremy.
Pero sa totoo lang na isa pang ibinahagi ni Pia na may panghihinayang na never pa raw nito nagamit or nakapagluto ito sa kanyang kitchen.
Kahit ang mga malalapit na kaanak at kaibigan ay never pa niyang napaglutuan para gamitin ang kanyang kitchen.
Kaya ang makakabili ng condo ni Pia ang kauna unahang makagagamit ng kanyang kitchen.
***
SA shared post ni Luis Manzano sa kanyang socmed account ay ipinost ng mister ni Jessy Mendiola ang kanyang Covid test kit.
May caption ito na mag-ingat ang lahat dahil sa dumarami na naman or tumataas ang biktima ng Covid.
Similar nung kasagsagan ng Covid na nagsimula ng 2020.
Ngayon nga lang nagkaroon ng Covid ang TV host actor.
Kaya di matapus-tapos ang paalala ng anak ng Star For All Seasons.
Bumuhos ng napakaraming komento at iisa lang ang hiling ng lahat Kay Luis, ang speed recovery sa pagkakaroon nito ng Covid.
Kahit ang ina ni Luis na si Ate Vi ay naka-monitor sa kalagayan ng anak.
Kahit si Jessy Mendiola ay nakaagapay sa mister para sa agaran nitong paggaling.
At iisa lang ang paalala ni Luis sa lahat, ang mag ingat.
Well, well, well…’Yun na,?