Advertisers

Advertisers

P280K imported yosi nakumpiska sa Sulu

0 94

Advertisers

Nakumpiska ang P280,000 na halaga ng sigarilyong gawa sa Indonesia na natagpuang abandonado sa isang niyugan sa Indanan, Sulu nitong gabi ng Byernes, May 5, 2023.

Sa pahayag nitong Linggo ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, posible diumanong iniwan na lang nang mga smugglers ang kontrabando nang nahalatang nalaman na ng mga kasapi Indanan Municipal Police Station ang kanilang presensya sa Sitio Pamawlan sa Barangay Kajatian.

Dinala ng mga suspects ang malalaking kahon, mula sa sasakyang pandagat, sa Sitio Pamawlan, at mula doon, ihahatid sana sa mga buyer na mga taga Indanan.



Sa tulong nang mga residente, agad na naipalam ang tangkang pag-smuggle ng mga sigarilyong gawa sa Indonesia sa Indanan MPS kaya nakapagsagawa agad ng seizure operation ang lokal na pulisya sa pamumuno ni Police Major Edwin Catayao Sapa.

Hindi bababa sa P10 million na halaga na ng mga sigarilyong imported ang nakumpiska ng mga kasapi ng Indanan MPS sa mga serye ng mga operasyon nitong nakalipas na dalawang taon.



Ang mga imported na sigarilyong nasamsam nila Sapa at mga tauhan niya nitong Byernes ng gabi ay nakatakda na nilang i-turn over sa Bureau of Customs. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">