Advertisers

Advertisers

PANGANGALAGA SA HISTORICAL AT CULTURAL HERITAGE SITES, IGINIIT NI PBBM

0 122

Advertisers

ISINUSULONG ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pagtataguyod at pangangalaga sa Philippine historical at cultural heritage sites sa pamamagitan ng mabisang pamamahala ng Malacañang Heritage Mansions.

Batay sa Executive Order No. 26 ni PBBM, ipinag-utos din nito ang paglikha ng Advisory Board and Management Center para rito.

Ayon sa EO, kabilang sa mga magiging miyembro ng advisory board ang tatlong kinatawan mula sa Office of the President (OP) na may ex officio capacity at tatlong iba pa mula sa pribadong sektor na itatalaga naman ng Pangulo.



Inatasan naman ni Pang. Marcos ang board na bumalangkas ng mga polisiya, proyekto at programa para sa episyenteng pamamahala ng Malacañang Heritage Mansions.

Kasabay nito, ang Presidente ng Malacañang Heritage Mansions Management Center (MHMMC) na siyang magnbibigay ng technical at administrative support sa advisory board. (GILBERT PERDEZ)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">