Advertisers

Advertisers

SB member, 1 pa nasawi sa bumaligtad na kotse

0 113

Advertisers

NASAWI ang isang Sangguniang Bayan at BPATs Member ng San Mateo habang nasa kritikal na kondisyon ang isang barangay kapitan nang maaksidente ang kanilang sinasakyan sa Barangay Saranay, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang nasawing SB member na si Michael Angelo Ramones, residente ng Brgy. Villa Magat, San Mateo; at Mario Acupan, 50-anyos, BPATs member at residente rin sa nasabing bayan.

Sa ulat, 12:00 ng madaling araw nitong Linggo nang maganap ang aksidente. Minamaneho ni Ramones ang kanyang Toyota Vios (NDL 9786) patungong bayan ng Cabatuan. Sakay niya sina Acupan, at Barangay Captain Sonny Baysa ng Villa Ganito, San Mateo. Nang makarating sa pakurbang bahagi ng kalsada ay nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber kaya’t dumiretso at sumalpok ang sasakyan sa isang concrete barrier.



Dahil sa lakas ng impact, umangat at bumaliktad ang sasakyan ng mga biktima. Nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan at ulo ang mga sakay. Agad dinala ang mga ito sa pagamutan subalit binawian ng buhay sina Ramones at Acupan dahil sa mga natamong matinding sugat sa ulo. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">