Advertisers

Advertisers

Buli! Dalaga sinaksak ng lalaking kaklase

0 143

Advertisers

SUGATAN ang isang dalagang estudyante nang saksakin ng kaklaseng lalaki habang nag-uusap ang kanilang mga magulang upang maayos sana ang isyu ng “cyber bullying” sa pagitan ng dalawa, naganap sa loob ng isang fast food chain sa Barangay Magdiwang, Noveleta, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Chelsy Honeylade, 21 anyos, residente ng Barangay Navarro, Gen. Trias City, Cavite.

Nakakulong naman at nakatakdang sampahan ng kaso ang salarin na si John Roy Virata, 21, ng T. Gomez Street, Caridad, Cavite City.



Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Armine Matro, may hawak ng kaso, 5:00 ng hapon, nasa loob ng fast food chain ang biktima at salarin kasama ang kani-kanilang mga magulang at pinag-uusapan ang naganap na pambu-bully sa pagitan ng kanilang mga anak. Nagulat na lamang sila nang sinaksak ni Virata sa mukha ang dalaga ng hawak nitong tinidor.

Agad na bumulwak ang dugo sa mukha ng dalaga at agad na itinakbo sa St. Martins Hospital. Inaresto naman ang salarin at dinala sa pulisya.



Napag-alaman na matinding pambu-bully ang namagitan sa magkaklase.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">