Advertisers

Advertisers

Pulis kinaladkad ng sinitang jeepney driver

0 113

Advertisers

KULONG ang isang jeepney driver nang balewalain ang presensya ng pulis na nagmamando ng trapiko, habang ang una ay nag-aabang ng mga pasahero sa gitna ng kalsada sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang driver na si Joel Carlim Alon, 43 anyos, ng Taft Avenue, Pasay City.

Sa ulat ng Juan Luna Police Community Precinct ng Manila Police District-Station 11, 10:30 ng umaga nang arestuhin ang driver sa panulukan ng Juan Luna St. at CM Recto Avenue sa Binondo.

Nagmamando ng trapiko sina PSSg Reijan Francisco at PCpl Leberato Cabison sa nasabing erya nang huminto sa gitna ng kalye ang pampasadang dyip na naging dahilan ng hindi pag-usad ng trapiko.

Nang sabihan ang driver na umabante, hindi parin ito umalis, sa halip ipinagpatuloy ang pagkuha ng pasahero, dahilan upang hingan ito ng driver’s license ng pulis.

Ikinagalit ito ng driver, na sa halip ibigay ang driver’s license ay sinabihan pa ang mga pulis na: “Mga abusado kayong pulis, gusto nyo ipa-Tulfo ko kayo. Ano bang violation ko?”

Habang nakahawak si Cpl Cabison sa railing ng dyip, pinatakbo ito ng mabilis ng driver kaya nakaladkad habang inaasar ang pulis sa halip na huminto.

Pagsapit sa Soler St., lumapit si PCpl Cabison at inisyuhan ang driver ng ‘ordinance violation receipt’ (OVR) at dinala ito sa presinto para sa iba pang paglabag.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors Office ang driver sa paglabag sa Obstruction, Resistance and Disobedience to a person in authority or the agents of such person, at Unjust Vexation.