Advertisers
IPINAKULONG ni misis ang kanyang mister nang bugbugin at laitin siya sa Quezon City.
Ayon kay Lt. Colonel Jerry Castillo, Station Commander ng Novaliches Police Station (PS 4) ng Quezon City Police District, si Alvin David, 47 anyos, ay inaresto sa kanilang tahanan sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City 5:30 ng hapon noong Biyernes.
Sa report, 1:30 ng hapon ng May 19, nasa bahay ang biktimang si Shiela nang pagsisigawan ng lasing na mister ng “Pokpok ka, paka…tin ka, P…Ina mo”.
Dahil dito’y nagtalo ang mag-asawa hanggang kaladkarin ng lalaki ang ginang sa labas ng kanilang tahanan at doon pinagsusuntok sa ulo at mukha.
Nanlaban ang misis, at nang makahulagpos ay nagpasklolo sa mga awtoridad.
Inamin pa ng biktima na ilang beses na siyang minaltrato ng mister sa halos 27 taon nilang pagsasama at pagkakaroon ng limang anak.