Advertisers

Advertisers

DEU ng NPD sa Caloocan niratrat at grinanada

0 122

Advertisers

PINAULANAN ng bala at pinasabugan pa ng granada ang opisina ng Drug Enforcement Unit ng Northern Police District sa Dagat-Dagatan, Caloocan City nitong Sabado.

Sinabi ni Northern Police District Director, Brigadier General Rogelio Peñones, na nangyari ang insidente 2:00 ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, nasa loob ng opisina ang ilan sa mga naka-duty na pulis nang mangyari ang insidente.



Walang napaulat na nasugatan o nasawi sa pag-atake, ngunit nasira ang ilang bahagi ng opisina partikular ang hagdanan sa labas.

Sinabi ni Peñones na tatlong suspek ang kanilang tinitingnan, itinuturing din persons of interest.



Ilan sa mga nakikitang motibo ng NPD sa insidente ang posibleng paghihiganti ng ilan sa mga naarestong kriminal matapos ang sunod-sunod na operasyon kontra iligal na droga at high-value individuals.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at backtracking ng pulisya upang matukoy ang mga nasa likod ng insidente.(BETH SAMSON)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">