Advertisers

Advertisers

Kris Bernal naihi sa kaguwapuhan ni Chris Hemsworth

0 147

Advertisers

Ni BETH GELENA

AYON kay Alden Richards, matibay ang pagsuporta niya sa Eat Bulaga.
Na kina Tito, Vic at Joey at sa buong EB team ang kanyang loyalty.
Aniya sa isang panayam, napakaimportante raw sa kanya ang loyalty at gratitude.
Aniya sa panayam ni Nanay Cristy Fermin sa YouTube Channel nito, “Nagulat po ako ‘nay. Hindi ko po ine-expect yung mga pangyayari kahapon. Pero kahit ano pong mangyari, ang suporta ko po ay nasa Tito, Vic at Joey at Eat Bulaga.’ Ayan, at ito pa, ‘Maraming salamat po ‘nay, kagaya niyo po, mahalaga po sa akin ang loyalty at utang na loob. Hindi po magbabago yun,” lahad ng Kapuso aktor.
Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime program in the world.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung dadalhin ng mga host ang iconic name na Eat Bulaga o mananatili ang EB sa Tape, Inc.
***
KUYA KIM HINDI NATULOY SA BAGONG EAT BULAGA
May post si Kim Atienza ng picture kasama sina Billy Crawford at Eric Eruption nang sila ay kumakain sa isang resto.
Ang caption na sinulat ni Kuya Kim, “Eats Chowtime” na kinaaliwan ng netizens na tila pinagsamang pangalan ng ‘Eat Bulaga’ at ‘It’s Showtime.’
Matatandaang nagkasama sina Billy, Eruption at Kuya Kim dati bilang mga host ng It’s Showtime.
Kamakailan ay may lumabas na balitang kabilang si Kuya Kim sa mga napiling bagong host ng Eat Bulaga matapos kumalas ng mga dating hosts nito.
Hindi umano tinanggap ni Kuya Kim ang offer.
Nilinaw naman ng kanyang manager na si Noel Ferrer sa kanyang IG ang tungkol dito.
Aniya; “THANK YOU FOR KEEPING @kuyakim_atienza TOP OF MIND IN PREMIERE HOSTING PLATFORMS (because he certainly works hard and delivers very well in all of them) – but we’d like to clarify that HE CANNOT DO THE EAT BULAGA REPLACEMENT SHOW as it conflicts with his prior commitment with the daily program “TIKTOCLOCK…”
***
NAG-fangirling si Kris Bernal kay Chris Hemsworth.
Um-attend ng red carpet screening for Netflix film “Extraction 2” ang aktres na ginanap sa SM MOA.
Ang foreign actor na si Chris ang main character ng pelikula.
Kasama ni Kris ang mister na si Perry Choi kung saan nakapwesto sila malapit sa stage na kinaroroonan ni Chris.
Pinost ni Kris ang snaps ng foreign actor sa kanyang IG Stories.
“Ang fresh niya. Ang haggard ko! Hahaha! “Fangirling to the highest level!” aniya.
Dagdag pa niya: “So clooooseee… He’s sooo hooooot… Naihi ako Lol!”
May welcome message rin siya sa actor at saka tinag niya ito.