Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NASA cast na ang TikTok superstar at Cornerstone baby na si Yukii Takahashi ng toprating series na “FPJ’s Batang Quiapo” pero hindi pa siya naididirek ni Coco Martin.
Ang co-directors kasi ni Coco ang humahawak ng kanyang mga eksena.
Gayunpaman, looking forward din daw siyang ma-handle ni Direk Coco.
“Siyempre, excited din po akong maidirek niya. Feeling ko po kasi, ang dami-dami ko pong matutunan sa kanya,“ ani Yukii.
Happy din siya dahil nabigyan siya ng kanyang biggest break sa nasabing serye bilang love interest ni McCoy de Leon.
“Noong una, ang akala ko po ay guest lang ako hanggang sa lumaki po iyong role ko at naging love interest ni McCoy and for that, nagpapasalamat po ako kay Direk Coco,” lahad niya.
Naging usap-usapan din ang intimate scene nila ni McCoy sa TV series.
Hirit pa niya, hindi raw naman sila nagkaroon ng ilangan ng kanyang bagong ka-love team.
“Propesyunal po at mabait si McCoy at inalalayan po niya ako. At saka kumportable po akong katrabaho siya dahil he’s such a gentleman,” paliwanag niya.
Sey pa niya, swak ang tandem nila ni McCoy dahil pareho silang passionate sa kanilang craft.
“Feeling ko iyong background namin. Parehas po naming naintindihan how to react when there’s a scene and we know the background of the story and in real life, ganoon din naman po. I think iyon ding passion at desire namin to learn. I think, iyon ang similarities at doon kami nagkakasundo,” paliwanag niya.
Ang half-Pinay at half-Japanese na socmed influencer ay nagsimula noong panahon ng pandemya bilang TikToker.
Ang dance moves niya ay naging trending, dahilan para mag-boom ang kanyang TikTok videos at umabot sa milyon ang kanyang followers.
Naging pasaporte rin iyon para mapansin siya sa showbiz at magkaroon ng projects sa movies and television.
Hirit pa niya, gusto rin daw niyang sumabak sa singing dahil ang Cornerstone ang tahanan ng mga tanyag na singers at artists at world class talents tulad nina Sam Milby, Piolo Pascual, Erik Santos, John Prats, Yeng Constantino, Moira Dela Torre, Julia Montes, Inigo Pascual, Kris Aquino, Arci Munoz, Catriona Gray, Empoy Marquez, KZ Tandingan atbpa.
“One of my dreams also is to be versatile…na I wanna sing, I wanna dance, I wanna act, I even wanna model. I’ve been training to sing and dance during my break days,” sey niya.
Si Yukii ay bida rin sa Puregold online series na “Ang Lalake sa Likod ng Profile” kapareha si Wilbert Ross.
Regular cast member din siya ng NET25 sitcom na “Ano’ng Meron Kay Abok?” kasama si Empoy Marquez.
Naging host din siya ng TV-5 video game show na “Sing Galing” , Kumu’s reality talent competition na “Top Class: Rise to P-Pop Stardom” at NET25 game show na “Tara Game, Agad Agad” kasama si Aga Muhlach.
Nasa cast din siya ng pelikulang “I Love Lizzy” sa upcoming movie na “Ang Pangarap Kong Oscars” at HBO limited series na “Call My Manager” ni Direk Erik Matti.
Sa kasalukuyan, si Yukii ay meron nang 8.6 million subscribers sa TikTok.