Advertisers

Advertisers

Herlene ang showbiz career muna ang dyodyowain

0 148

Advertisers

Ni MERCY LEJARDE

TIPONG si Herlene Budol ang susunod na hot lead star ng Kapuso Network kapag nagsimula na ang airing this coming June 26 ng Magandang Dilag na newest afternoon TV series of Kapuso afternoon primetime at 3:25pm.
Makakasama ni Herlene sa nasabing Kapuso afternoon tv series sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Adrian Alandy, Maxine Medina, Bianca Manalo, Angela Alarcon, Muriel Lomadilla, Prince Clemente at Jade Tecson.
Also playing equally important roles are Iconic stars Al Tantay, as the father of Herlene, Chanda Romero as the rich and intimidating wife of Al and Sandy Andolong as Luisa, doting Mother of Herlene as Gigi and Joaquin’s (Al Tantay) former live-in partner.
Sa mediacon ng Magandang Dilag last week ay kinuyog ng madlang entertainment writers at vloggers ng mga katanungan si Herlene na sinagot naman niyang lahat. At ang una ngang natanong sa kanya ay kung may boyfriend ba siya ngayon?
Ang sagot niya ay wala raw sa plano niya ngayon ang makipag-dyowa muna after ng break-up nila ng ex-bf niyang si Patrick Bolton.
Ang showbiz career daw muna niya ang kanyang dyodyowain lalo na ngayong busy siya lagi sa mga tapings nila regarding Magandang Dilag.
Isinasakripisyo ba niya ang kanyang lovelife because of her showbiz career? Lalo pa nga na may quotation ek si yours truly that goes….Sacrifice is the key to Paradise, boom ganern ba?
“Hindi naman po sacrifice ‘yun kumbaga nasa point po kasi kami na na kailangan namin mag-mature at isipin muna ‘yung for the future. Nandyan lang naman po ang love eh.
“Pwede po namin balikan anytime pero sa ngayon po na hindi po namin nabibigay ‘yung parehas naming time para sa isa’t isa, mas pinili po namin na maging friends muna,
“Parang ako ngayon, trabaho po ‘yung syota ko at magpapabuntis sa trabaho ko para dumami nang dumami pa,” mahaba niyang katuwiran.
Nyyehhh, puwede palang makabuntis ang trabaho, ganun? Chaaarrrriiitttahhh, hahaha!
Niwey, goodluck to your syobis career Herlene Budol at sana nga after Magandang Dilag tv series mo sa Kapuso network ay magkasunud-sunod ang mga tv at movie projects mo sooner than soon basta lagi ka lang maging Magandang Dilag, inside and out, ha?
Yun na!