Advertisers

Advertisers

It’s Showtime at new EB, kapwa noontime show ng Siyete na kakalaban sa TVJ sa Singko

0 898

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA kabila ng pagtanggi ni Ricci Rivero, ex-bf ni Andrea Brillantes na may third party na isang Konsehala sa panayam sa kanya ng Fast Talk.
Deadma naman ang kampo ni Andrea sa paliwanag ni Ricci sa kanyang interbyu kamakailan.
Samantala, sa panayam kay Andrea ay inamin nito ang sakit na kanyang naranasan.
As in, labis itong nasaktan sa nangyari at to think na nagmahal lang daw siya.
At ito na nga raw ang biggest heartbreak na naranasan ni Andrea.
Dumagdag pa ang pagkamatay ng kapatid ng kanyang Mommy kaya ganun na lang daw ang kanyang pagdaramdam.
Inakusahan namang pa-victim kaya gulong-gulo si Andrea sa nangyari sa kanya.
Dumating pa nga raw sa punto na gusto na nitong sumuko na.
Inaasahan na nga lang ng fans kay Andrea na time heals all wounds pagdating ng panahon at dama nila ang pinagdaraanan ng batang aktres.
***
INAASAHAN na ito na ang magpapabagsak sa TVJ, ang pagpasok ng It’s Showtime sa Kapuso network.
Ikinatuwa ng TAPE Eat Bulaga hosts ang pagpasok ng grupo ni Vice Ganda sa GTV.
Hindi lang daw ang TAPE EB ang babangga sa TVJ sa TV5 kungdi dalawa ang pamato ng GMA-7 na pambangga sa TV5.
Pare-pareho na nga silang naghahanda sa pagdating ng TVJ this Saturday.
Happy naman ang EB hosts lalo na si Paolo Contis at kasama na nila sa iisang kuwadra ang grupo ni Vice.
Kaya dalawang noontime show ng Kapuso laban sa TVJ sa TV 5.
Naku, marami tuloy mag-aabang this July 1 sa noontime show kung sino ang mas tatangkilikin ng publiko.
Abangan! Well, well, well…Yun na!