Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
IN demand na leading lady, natanong si Sue Ramirez kung sino sa mga veteran lead actor ang nais niyang makapareha.
“Actually sa totoo lang po, wala po akong listahan ng ganyan.
“Parang I really just wait for the projects to come to me.
“Siyempre meron tayong… ako ano ba’ng mga gusto ko? Gusto kong mag-period na ano. Iyan pangarap ko yan.
“Or biopic siguro, something na yung pag-aaralan mo talaga and hindi ka puwedeng magkamali kasi number one yung period history siya.
“And number two pag biopic it’s, facts e, so kailangan mo talagang aralin, how the person walks, how the person talks.
“Something na ganun ka-challenging siguro, iyon yung pangarap kong gawin. Mahaba pa naman po ang ano, sana ‘no, ang tatakbuhin ng career ko, so hindi naman po ako nagmamadali.
“So iyon lang din yung maganda siguro at this point na hindi po ako nagmamadali talaga, kung ano man po yung ibigay o sino man po yung katrabaho willing ako na mag-work talaga.”
Sa kasalukuyan ay si Jake Cuenca ang leading man ni Sue sa sitcom ng TV5 na Jack and Jill Sa Diamond Hills na umeere alas sais ng gabi tuwing Linggo.
Gumaganap sina Sue at Jake bilang sina Jill at Jack respectively na mga pulis.
***
TULUY-tuloy ang kanyang mga karaketan sa showbiz, tinanong namin si Rabiya Mateo kung ano na ang pinakamahal na niyang nabili mula sa mga kinita niya sa showbiz?
“Pinakamahal, siguro bahay for my mom, sa Iloilo.
“Hindi ko naman siya finully cash pero nagla-lumpsum kasi ako para yung interes hindi masyadong mataas.”
Tapos na raw bayaran ni Rabiya ang naturang bahay.
“Kakatapos ko lang [bayaran] mga two months ago!”
Ilang taon niyang binayaran ang bahay ng ina niya?
“Siguro… ganito po kasi ang nangyari verytime may, di ba may mga business ako, so pag may nare-receive na malaking pera lumpsum agad, lumpsum agad.”
Hulog siya ng hulog sa bahay.
“Eversince pa, yung mga kinita ko noon sa Miss Universe, hulog agad.”
Ano ang mga negosyo niya?
“Ngayon po I’m an ambassador and at the same time a partner of LVNA, it’s a jewelry store.
“So ang nangyayari po magpapasok ako ng pera, I’m gonna pitch in some ideas, tapos si Drake Dustin as the owner talaga siya yung magde-disseminate kung saan natin dadalhin yung money na ’to and then iyon, may hatian.”
Ano ang pakiramdam na nakakahawak na ngayon si Rabiya ng milyong halaga ng pera?
“Masarap pero at the same time nakakatakot. Kasi parang, tinatanong ko kay Lord, ‘Lord ikaw ang nagbigay ng lahat ng ito sana huwag bawiin’
“Kung gaano kabilis dumating ayoko namang ganun din kabilis mawawala sa akin, that’s why I’m very smart with my money.
“I try to invest with many businesses I can. Like yung nails meron din po kaming nails lounge, eyelashes na lounge, The Secret Lounge.
‘We have branches sa QC, BGC, Parañaque.”
Ano ang sinasabi sa kanya ng mama niya ngayon?
“Hay, kakahingi lang ni Mama ng pampustiso niya! And siyempre it’s an honor talaga na, ‘Sige mama!’
“Na parang pag humingi sila may mabibigay ka agad.
“Dati may pustiso siya pero ill-fitting, ngayon fit na fit na,” nakangiting kuwento pa ni Rabiya na gumaganap bilang si Tasha sa Royal Blood ng GMA Telebabad.
Sa direksyon ni Dominic Zapata, ang Royal Blood ay pinagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang si Napoy kasama sina Megan Young (bilang Diana), Mikael Daez (bilang Kristoff), Dion Ignacio (bilang Andrew), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at Rhian Ramos (bilang Margaret); may mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.
Nasa cast din ng Royal Blood sina Ces Quesada (bilang Aling Cleofe), Benjie Paras (bilang Otep), Carmen Soriano (bilang Camilla), at Arthur Solinap (bilang Emil).
Kasama rin sa serye ang Sparkle Teens na sina James Graham (bilang Louie), Aidan Veneracion (bilang Archie), Princess Aliyah (bilang Anne) at ang child actress na si Sienna Stevens (bilang Lizzie).