Advertisers
Ni JULIE E. BONIFACIO
NI-reveal ni Melai Cantiveros na nakaranas siya ng health scare kamakailan nang makakita ng ilang bukol sa kanyang dibdib.
Ikinuwento niya ang pangyayari sa programa nila ng mga momshies na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez at Pop Icon Jolina Magdangal, ang
“Magandang Buhay” nitong Martes.
Ito ang unang pagkakataon na isinapubliko ni Momshie Melai ang nangyari sa kanya.
Ani Momshie Melai, “Parang nagkaroon ako ng bukol sa may boobs kasi. Ngayon ko lang sasabihin, hindi rin alam ng family ko. Noong nagbakasyon ako ng Cebu, ginoal ko talaga na mapuntahan ang mga simbahan doon at sa Bohol. Doon ako nag-pray.
“Nawala talaga (‘yung mga bukol) na hindi pa ako nagpa-check up. Iba ‘yung bukol kasi matigas eh. Ito talaga, sabi ko my God Lord.
“Ipinag-pray ko talaga. Dapat magpapa-check up na ako after ng cycle na ito (ng taping natin).
“Bago ako magpa-check up, sabi ko, ‘Lord, ikaw na ang bahala. Hindi na ako mag-iisip.’ Kasi pumapasok na kung ano anong negative sa isip ko.”
Ibinahagi ni Momshie Melai na kalaunan ay nawala ang mga bukol, na nagbigay sa kanya ng kaginhawahan.
Binigyang-diin niya na ang karanasang ito ay nagturo sa kanya ng kahalagahan ng pagpapanatili ng hindi natitinag na pananampalataya sa Diyos.
“In Jesus’ name, nawala. Grabe talaga si Lord,” bulalas niya. “Kaya sinabi ko, simula ngayon, hindi na ako mag-iisip ng kung ano anong negative kasi alam ko si Lord nandiyan.”
Ang “Magandang Buhay” ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Love, iWantTFC and TFC.
***
NAKILALA bilang masungit na tindero sa kanyang maliit na sari-sari store ang vlogger na si Bernie Batin sa social media.
Dahil sumikat na, marami na ang nagkainteres na makita mismo ang tindahan niya sa Pangasinan.
“Nu’ng nagsimula po na medyo nakikilala na po tayo, mas dumami na po yung mga bumibili sa tindahan namin. May mga taga-Batangas, mga taga-Maynila, taga-Cavite. Parang naging tourist spot na nga po yung tindahan namin, e. Nakakatuwa po,” tsika niya sa bonggang launch ng kanyang single na “Utang Mo” under Star Music.
Bago ang “Utang Mo” ay nagkaroon na rin siya ng single, ang “Pabile, Wanpipte” under a different recording label.
Thankful si Bernie na bukod sa pagiging vlogger ay isa na rin siyang certified singer ngayon.
“Kahit pala ang mga ganitong simpleng contents lang ang dami kong napapasaya. Kaya nakaka-overwhelm po. Sobrang mahal na mahal ko po ang pagtitinda,” say ni Bernie.
But wait there’s more, artista rin si Bernie, ha. Umarte na siya sa pelikulang “Ayuda Babes” ni Direk Joven Tan.
Next, baka pasukin na rin Bernie ang pagsali sa drag queen competitions.
Na-overwhelmed din kasi si Bernie sa dami ng pumuri sa ganda niya dahil sa kinalabasan ng makeover look niya as a drag queen sa launch ng kanyang single na “Utang Mo.”