Advertisers

Advertisers

Alden lumulugar sa tamang pwesto kaya dumistansya na kay Maine

0 163

Advertisers

Ni MELCHOR BAUTISTA

NAIBIGAY na ni Alden Richards para sa kanyang fans ang mga pagpapakilig na gusto ng mga tagahanga ng naging loveteam nila ni Maine Mendoza dahil sobra rin ang kanyang naging pagpapahalaga sa kanilang tambalan na nagpabago talaga sa takbo ng kanyang kasikatan.
Sa ngayon ay umiiral na ang delicadeza at respeto ni Alden sa sitwasyon nina Maine at sa karelasyon nitong si Congressman Arjo Atayde, lalo pa’t nalalapit na nga ang kanilang pagpapakasal. Lumulugar sa tama si Alden, dahil iyon ang nararapat at para tuluyan na ring matanggap ng kanilang fans na magkakaiba na sila ng mga trabaho sa showbiz, dahil iyon na talaga ang nangyayari sa ngayon.
Napapatunayan na hindi naapektuhan ang kasikatan ni Alden kung tuluyan na silang hindi na muli pang magkakasama ni Maine sa project. Ang mga susunod na malalaking proyektong gagawin ng Kapuso actor ay iba-ibang artista na ang kanyang makakasama.
Sa ngayon ay si Sharon Cuneta ang kasama niya sa pelikulang “A Mother And Son’s Story” ng Cineco Productions mula sa pamamahala ni Direk Nuel Naval.
Samantala, dahil mahusay makisama si Alden at magaan katrabaho ay ilang direktor at kumpanya ng mga pelikula ang nagnanais na mahiram si Alden para makuha ang serbisyo nito sa paggawa ng pelikula.
***
HINAHAYAAN lang muna ni Derek Ramsay kung ano ang mga nagaganap sa personal niyang buhay sa ngayon. Kahit pansin din niyang nababakante ang kanyang movie career, okey lang muna sa kanya. Ito ay sa dahilang marami pa rin naman siyang pinagkakaabalahan na walang kinalaman sa kanyang showbiz career.
Nakatutok sa ngayon ang panahon ni Derek sa pamilya na patuloy nilang binubuo ng kanyang wife na si Ellen Adarna. Sa mga ngiti ng guwapong aktor ay naroon na rin talaga ang kanyang pagnanais na magkaroon na sila ng anak.
Pero sobrang happy siya sa nagiging closeness nila ni Elias Modesto, na anak naman nina Ellen at John Lloyd Cruz. Napakabait daw ng nasabing bagets, bibo at masayahin na itinuturing na rin niyang parang tunay na anak.
Mayaman ang mga magulang ni Derek. Hindi matapobre at lalong hindi rin mayabang ang husband ni Ellen para ipangalandakan ang kanilang kabuhayan. Ang ibang tao na mas nakakakilala sa aktor ang mga nagsasalita at nagpapatunay na mabait sa kanilang mga tauhan at trabahador ang aktor. Hindi naman daw talaga kailangan ni Derek na magpakahirap mag-artista para kumita ng pera. “Anumang meron kami, sa mga magulang ko ‘yon, eh. Sa showbiz naman, happy ako sa nangyari sa career ko. Kasi dapat daw kung mag-start kang mag-artista, dapat ay mga seventeen ka. Ako, pasalamat ko na lang, napansin din ako sa showbiz. Nakahabol pa, kahit may edad na ako pumasok dito at hindi na ako bagets noon,” wika ni Derek.
***
KAHIT may mga panahong nananahimik ang mga balita tungkol sa buhay ng kontrobersiyal, taklesa at mabait na si DJ Mo Twister, iyon ay dahil mayroon ding mga taong naging bahagi rin ng kanyang buhay na nananahimik din. Katulad ng dati niyang nakarelasyon na si Bunny Paras kung saan mayroon silang naging anak, si Moira na dalaga na sa ngayon at naninirahan sa Ibang bansa.
“Tahimik ang buhay namin. Malayo kami. Wala sa Pilipinas. Ayoko na ring isipin pa ang mga nangyari. Dahil ‘yong anak ko, kahit may kapansanan siya, lumaking masaya, kinaya ang sitwasyon niya. Doon nanggagaling ‘yong saya ko rin bilang mommy niya. Nagsalita ako dati, dahil kumbaga, anak naman ni Mo si Moira. Tama na ‘yon, dahil nasabi ko na, nailabas ko na ‘yong nasa loob ng dibdib ko na dapat kong iparating sa daddy ng anak ko,” paliwanag ni Bunny na nakababatang kapatid ng aktres na si Sharmaine Arnaiz.