Advertisers

Advertisers

Gerald idiniin, magaan dalhin si Julia kaya umabot ng 3 taon ang relasyon

0 244

Advertisers

Ni BETH GELENA

AYON kay Gerald Anderson magaan daw karelasyon ang girlfriend na si Julia Barretto.
Nasa 3 taon na ang JuRald at ayon sa aktor, masaya siya sa kanilang relasyon.
Pagmamalaki pa niya, simple lang daw si Julia at kailanma’y di nanunumbat sa kabila ng hectic schedule nito.
Minsan ay si Gerald pa ang nahihiya sa oras na naibibigay kay Julia kaya naman bumabawi umano siya kapag may extra time.
Guest si Gerald ni Isko Moreno sa kanyang YouTube Channel niya na ‘lskovery Nights’.
Kuwento.ng aktor: “Hindi ko halos namalayan na tatlong taon na ang relasyon namin ni Julia.
“Sa 3 years na ‘yun. Saya! ang gaan, iwan na lang natin ‘dun. Sobrang secure siya sa pagkatao niya, maganda siya pero di mo maramdaman, napakasimple, magaang kasama. Very supportive sa mga kalokohan ko… Like you know, magpa-practice ako ng basketball 4 hours a day. Mag-aano ako ng negosyo ilang oras sa isang araw. ‘Nung pandemic yung trabaho ring tinanggap ko. ‘Di nanunumbat. Walang ganun e. Di mo maramdaman na komplikasyon siya.”
***
ELLEN DI HUMIHINGI NG PERA KAY DEREK, ‘MAY PERA AKO!’
Sinagot ni Ellen Adarna ang random na tanong sa kanyang Instagram account.
Tinanong siya ng netizen kung binibigyan daw ba siya ng pera ng mister na si Derek Ramsay.
Dieetso niyang sinagot ang taning, “I have my own.”
May eksplenasyon naman si Ellen:
“Maybe if I don’t have a job and there’s no money coming in, maybe I will ask money from him. But that’s a desperate situation already. Masakit sa loob ko, ‘day, mabigat to ask something from someone.”
“I wasn’t raised like that. And knowing myself, I will never allow that to happen to me. I’ll find ways. So the situation is the same when we first started dating. He has his own, I have my own,” dagdag pa ni Misis Ramsay.
***
VICE GUSTONG ISAMA SI BARBIE SA IT’S SHOWTIME’
Nag-viral ang video ng pagkanta ng GMA employees ng It’s Showtime theme song.
Maraming GMA artist ang naging guest para sa pag welcome ng lipat bahay ng Its Showtime sa GTV.
Isa na si Barbie Forteza na sinabihan ni Vice Ganda na pwedeng isama sa kanilang programa.
Ani Vice, gusto raw niya ang vibe ni Barbie, sagot naman ng Kapuso aktres ay, “G na G siya.”
Nagpasalamat naman si Barbie kay Vice.