Advertisers

Advertisers

Yorme Isko tinawag na buffet ang mga noontime show

0 165

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NOONG Sabado, July 1, napanood na sa TV5 ang launching ng bagong show nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon (TVJ), Allan K, Ryza Mae Dizon, Ryan Agoncillo, Jose Manalo, Wally Bayola, Carren Eistrup, Maine Mendoza at Paolo Ballesteros.
Hindi Eat Bulaga ang ginamit na title ng show kundi E.A.T. Pero pareho pa rin ang themesong. Hindi lang binanggit sa kanta ang Eat Bulaga. Pinalitan ito ng E.A.T. lang.
Since launching ito sa bago nilang tahanan kaya pinaghandaan ito ng buong staff ng show at ng nasabing istasyon.
Sa simula ng show, nagkaroon ng production number ang ibang hosts, hindi kasama ang TVJ.
After ng production number nila, tinawag na nina Paolo, Jose at Wally sina Tito Vic and Joey na nasa labas pa ng studio.
Habang papasok na ang tatlo sa loob ng studio ay hindi nila napigilan ang umiyak. Naging emotional sila dahil muli silang magbibigay ng isang libo’t isang tuwa sa publiko.
Isang nakabibinging sigawan at palakpakan ang sumalubong sa kanila pagtapak nila ng stage. Kinanta nila ang Ikaw Lang Ang Aking Mahal na pinasikat noong 80s ng bandang VST & Company na dating member si Vic.
Habang kumakanta ang TVJ, pinokus ang mga mahal nila sa buhay na nasa audience para suportahan sila sa bago nilang noontime show.
Nandun ang misis ni Vic na si Pauleen Luna, ang anak kay Connie Reyes na si Pasig Mayor Vico Sotto, mga anak kay Dina Bonnevie na sina Danica st Oyo Boy na kasama ang misis na si Kristine Hermosa.
Present din ang maganda pa ring misis ni Sen. Tito na si Helen Gamboa at anak nilang si Ciara Sotto.
Naging sprcial guest ang Megastar na si Sharon Cuneta. Kinanta nito ang dalawang hit songs nityang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko at Bituing Walang Ningning.
Samantala, nakakatuwa si Isko Moreno, dahil kinongratulate niya ang TVJ sa pagkakaroon ng mga ito ng bagong noontime show kahit pa katapat ito ng programa nilang Eat Bulaga, na napapanood sa GMA 7.
Sabi ni Yorme,”To Tito Sen, Vic and Joey and their Dabarkads, congratulations sa inyo! Masaya kami, may bago na kayong tahanan. Masaya kami, kasi marami nang pagpipilian ang tao. At least, ang noontime show ngayon, para nang buffet. Marami kayong choices. Kaya taos puso, sampu ng aming mga kasama, staff, production, the management, Tape Incorporated, we warmly welcome and congratulate Tito, Vic and Joey. Congratulations po sa inyo!
Ngayon naman, kami rito ni Paolo, at sampu ng aming mga kasama, sa mga viewers namin, in our own little way, in a different manner, we will try to make your afternoon full of joy and hope. Dahil ang gusto namin, araw-araw sa tanghalian kasama ninyo kami. Ang Eat Bulaga, tulong at saya ang handog namin sa inyo.