Advertisers

Advertisers

Pag pumasok na sa show…Barbie posibleng magpakabog kay Kim sa It’s Showtime

0 1,189

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SI Megastar Sharon Cuneta ang special guest sa pilot airing ng programa ng TVJ at Legit Dabarkads.
Bumati muna si Sharon sa trio bago pa man umawit ng song nito na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.
Dito na nga nagpahayag at nagpakawala ng mensahe si Sharon at naging emosyonal ito nang malaman at makarating sa kanya na nagpaalam na itong TVJ at legit Dabarkads sa kanilang dating tahanan, ang GMA-7.
Na-sad si Sharon at knows naman kung paano kalapit ito sa mga host lalo na kay Tito Sotto na itinuring nitong second father na.
Kaya nagbigay at nagpakawala ng pahayag at saloobin niya si Sharon.
As in nadismaya nga raw ito nang malaman ang pangyayari.
Dapat daw ang tulad nina TVJ ay inaalagaan ganun na rin ang Legit Dabarkads
Inamin ng nanay ni KC Concepción na masama ang loob nito sa nangyari sa TVJ na nawala sa matagal na nilang show.
Pahayag pa ni Megastar na di deserved ng TVJ ang nangyari o ganun ang naging trato sa maituturing na legendary sa showbiz business.
Happy naman si Sharon at nagbalik na ang show ng TVJ.
***
SA first airing ng It’s Showtime sa GTV ay isa sa mga GMA Kapuso artist na si Barbie Forteza na guest performer.
Itinodo nang bonggang bongga at hataw sa sayaw si Barbie.
Napansin ng netizens na tila may paramdam ito na maging host din ng Its Showtime nila Vice.
Nagbunga ang pagpapakitang gilas ng Kapuso actress sa paghataw ng sayaw na ipinakita sa Madlang Kapuso.
At kahit nga si Meme Vice ay impress din sa ginawang pagsayaw ni Barbie.
Tila natutuwa si Vice sa ginawang pag-guest ni Barbie sa kanilang first airing sa GTV.
Naku, mukhang nagaliggan si Vice kay Barbie, kabahan ka na Kim Chiu.
Puwede namang isama si Barbie sa show nila Vice lalo na’t nagpakita ito ng interes.
Well, tignan natin ang mga changes sa show sa paglipas ng panahon.
Well, well, well…’Yun na!