Advertisers

Advertisers

Bea inamin kay Goma, allergic sa nega

0 156

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGING panauhin si Bea Alonzo sa cooking vlog ng Ormoc congressman at aktor na si Richard Gomez kamakailan.
Ito ang unang pagkakataon na nagsama sila sa isang collaboration sa YT channel ng aktor.
Napag-usapan nila na ipagluluto ni Goma si Bea ng menudo.
Sa preparasyon ng nasabing Pinoy food, tumulong naman si Bea sa aktor.
Sey ni Bea, paborito raw niyang comfort food ang menudo.
Katunayan, madalas daw ay ginagawa niya itong toppings sa kanin.
Sa proseso ng pagluluto, naitsika naman ni Richard na hindi marunong magluto ang asawa niyang si Lucy Torres.
Hindi rin daw ito kumakain ng manok pero ironic na noong ipinagbubuntis nito ang kanilang anak na si Juliana ay pinapanay-panay nito ang pagkain ng chicken.
Dahil nasanay na sa pagluluto, naging favorite bonding moments daw naman nila ng anak na si Juliana ang magpunta sa grocery o supermarket para mamili lalo na kung magluluto siya ng kanyang paboritong menu.
Tulad ni Bea, inamin din niya na may pagka-impulsive shopper siya.
Habang nagluluto, naitanong naman ni Goma kay Bea kung meron itong allergy sa pagkain.
Ani Bea, wala raw siyang allergy sa pagkain pero in real life raw ay allergic siya sa mga nega, lalo na’t masasabing toxic ang mundong ginagalawan nila sa showbiz.
Sa kanilang tsikahan, nagbigay din si Richard kung paano mas mapapasarap pa ang pagluluto ng aktres na isa ring cook ng mga putaheng pork menudo at fried pork ribs.
Natapos naman ang kanilang huntahan sa pagtikim ng pagkaing kanilang pinagtulungang lutuin.
Sa huli, nagyaya naman si Bea na makipagcollab sa kanya ang actor turned politician kung saan hinamon ito ng Kapuso actress na sumailalim sa lie detector test.