Advertisers

Advertisers

Bading na seaman gustong magpa-wetpaks, kinatay

0 177

Advertisers

NATAGPUANG bangkay ang isang seaman na sinasabing miyembro ng LGBT community nang tadtarin ng saksak dahil sa pamimilit umano nitong makipagtalik sa kanya ang isa sa dalawang salarin sa coffee farm sa may Pung-Ol Road, Barangay Patutong Malaki North, Tagaytay City, Cavite noong Sabado.

Kinilala ng Tagaytay City Police ang biktima na si Gilbert Naparate Tonelete, 53 anyos, isang overseas Filipino worker (OFW) at residente ng Tierra Nevada Subdivision, General Trias City, Cavite.

Ayon kay Colonel Christopher Olazo, Cavite Police director, nagtamo ang biktima ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nagsisimula nang maagnas nang matagpuan sa farm.



Nadiskubre ang katawan ni Tonelete ng bystanders at mga residente sa lugar nang magreklamo sa nakakasulasok na amoy na nagmumula sa nasabing farm nitong Sabado.

Huling nakitang buhay si Tonelete kasama ang isa sa dalawang caretaker o katiwala ng farm na si Jared Lao Arandela, 18, tubong Passi, Iloilo, nang magtungo sila sa coffee farm sa Tagaytay City Hunyo 28. Mula noon hindi na nakabalik pa sa kanilang tahanan ang biktima.



Ang kotse ng biktima, isang puting Ford Eco Sport (NDY-4164), na may nakakabit na high-resolution dash camera ay narekober 500 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ginawang pagsusuri sa memory card ng narekober na dashcam, natukoy ang pangunahing salarin sa krimen na si Arandela, isa sa dalawang katiwala ng farm, at isang kasamahan nito na si Eduardo Dominguez Jr.



Si Arandela na sinasabing pumatay sa biktima ay agad naaresto sa follow-up operation sa Barangay Sabang, Dasmariñas City, Cavite noong Linggo.

Sinabi ni Olazo na makaraang malaman ni Arandela na hina-hunting na siya ng police tracker team, boluntaryo itong lumutang sa mga opisyal ng barangay, na siyang nagpasa sa pulisya.
Inamin umano ni Arandela ang krimen habang nasa kustodya ng Tagaytay City Police.

Sinabi ng salarin sa mga imbestigador na gusto ng biktima na makipagtalik sa kanya sa pamamagitan ng “anal sex”, na dahilan ng kanilang mainitang pagtatalo. Sa galit nito, sunud-sunod na sinaksak ang biktima gamit ang isang patalim.

Nagkasa na ng manhunt operation ang pulisya laban sa kasama ni Arandela na si Dominguez.

Tinitingnan na rin ng pulisya ang ginawang pagtatapat ni Arandela na isang “gay” o bakla ang biktima.