Advertisers
PINAGHAHANAP na ng pulisya ang isa ring pulis na pumaslang sa isang guro sa Tacloban City noong Mayo 2023.
Nasa P200,000 narin ang inilabas na pabuya ng pulisya para sa agarang pag-aresto sa salaring si Senior Master Sergeant (PSMS) Van Gregory Benitez, nakatalaga sa Tacloban City Police Office.
Panawagan ng Police Regional Office 8 (PRO8) sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ni Benitez, makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na presinto sa ikaaaresto nito.
Matatandaang naglalakad ang biktimang si Jessica Durana, 30, taga-Barangay 42, ng Tacloban City, sa Brgy. 43, Quarry district, kasama ang kanyang ina, nitong Mayo ng hapon, nang barilin ni Benitez.
Tumakas si Benitez matapos ang pamamaslang.