Advertisers

Advertisers

Mag-iina patay, 5 sugatan sa landslide sa Benguet

0 187

Advertisers

NASAWI ang apat na mag-iina habang limang kamag-anak ang nasugatan nang matabunan ang bahay habang hinahagupit ng bagyong Egay sa Abatan, Buguias, Benguet.

Kinilala ang mga mag-aanak na biktima na sina Marjorie Dolorito Tumpap, 30 anyos; anak na sina Camille Tumpap Dulot, 5; Hosana Tumpap, 2; at Jasmine Tumpap Dulot, 12.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Julius Galang Tumpap, 61; Marlyn Dolorito Tumpap, 52; Ezekiel Tumpap Torio, 8; Milkezedic Tumpap Torio, 6; at Janielle Tumpap Dulot.



Nagkaroon ng landslide sa lugar Miyerkules ng umaga, Hulyo 26, dulot ng mga pag-ulan dala ng bagyong Egay.

Hindi lamang ito ang unang beses na nagkaroon ng pagguho ng lupa at natabunan ang mga bahay sa lugar kungsaan maraming bahay ang nakatirik sa gilid ng bundok.



Sa facebook post ng Benguet PDRRMO, sinabi nitong naapektuhan ang mga sumusunod na daan dahil sa landslide: Kennon Road, Benguet-Nueva Vizcaya Road, Cong. Andres Acop Cosalan Road, Shilan-Beckel Road, Asin-Nangalisan-San Pascual Road, Baguio-Bontoc Road, Abatan-Mankayan-Cervantes Road, Gov. Bado Dangwa National Raod, Baguio-Bauang Road, at Baguio-Itogon Road.(Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">