Advertisers
NATAGPUANG nakalibing sa taniman ng saging ang 6-anyos na babae na dalawang araw nang nawawala sa Laguna.
Ayon sa Majayjay Police, 2:00 ng hapon ng Miyerkoles nang matagpuan ng mga kaanak at opisyal ng barangay ang batang inilibing sa pagitan ng mga puno ng saging sa Barangay San Roque.
Nadiskubre ang pinaglibingan sa bata nang makita ang nakalitaw na paa nito na hindi natabunan ng maayos.
Unang naiulat na nawawala ang bata Lunes, Hulyo 24. Huli itong nakita na naglalaro hindi kalayuan sa kanilang bahay.
Ayon kay Major Rodiard Dela Peña, hepe ng Majayjay Police, person of interest sa kaso ang 53 anyos na lalaking residente rin ng nasabing barangay.
Sinasabing dati itong nalulong sa iligal na droga.
Inimbitahan na ito ng pulisya subali’t itinatanggi nito ang krimen. Gayunman, mayroon umanong mga witness na nagsasabing nakita ito sa lugar bago nawala ang bata.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.