Advertisers
Ito ang bulung-bulongan ng ilang mga illegalista mula sa Central Luzon at Southern Luzon, matapos ang ilang buwan simula ng magdeklara si Chief PNP Gen. Benjamin Acorda Jr. ng One Strike Policy laban sa illegal na sugal sa ating bansa.
Ayon sa ating tsismosong intsik, bukol ang isa sa mga dahilan kung bakit nagbaba ng kautusan ang mamang heneral na itigil ang lahat ng klaseng sugal lupa.
Nagalit di umano ang mama ng malaman nyang halos singkwenta porsiyento lamang pala ang naibibigay sa opisina mula sa mga dorobo at mga kolektor ng kapulisan. Weh? Di nga?
Ayon pa sa ating source, ito ang pinaguusapan ng grupo ng mga illegalista na kung pagbabasehan ang kanilang listahan ng mga intelehensya ng kapulisan ehh sapat naman at tama ang kanilang ibinibigay sa mga kolektong.
Tsk!tsk!tsk! Mukhang may kumita nanaman nga sa mga alagad ni satanas, kaya para hindi halata sa mga nadorobo nilang illegalista ay tinuruan na lang nila ng mga diskarteng dapat gawin upang hindi matigil ang kanilang mga natanggapan.
Ang kaso mga dear readers hindi naman nakalusot ang iba kaya huli dito at huli doon ang nangyari.
Ang balita pa ng ating chismosong intsik may bago na di umano na engkargago este engkargado ang kapulisan. Weh? Di nga?
Kaya ang ginawang huli dito at huli doon ay isang task force pagpapakilala lamang, isang pagpapatunay daw na hindi na ninyo dapat kinakausap ang dati, at sila na ang bago… Ganun?
Nagpameeting na raw ang ilang mga gago este bago na tatayong kolektor para mabuksan ulit ang mga illegal na pasugalan sa buong Luzon. Edi wow!
Nag cashunduan na raw ang mga itinilagang gagong este bagong kolektor ng kapulisan at ang mga illegalista kaya may go signal na sila para ituloy ang ligaya.
Ang bulong nga lang sa akin ng tsismosong intsik bago matapos ang kwento ay sila-sila pa rin at walang nabago pangalan lang ang pinalitan. BOOM! Harharhar!
Totoo kaya ito Gen. Acorda Sir?
Abangan…
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com