Advertisers

Advertisers

200 surfers lalahok sa NextGen Pilipinas Surfing event sa E. Samar

0 177

Advertisers

HALOS 200 surfers mula sa boung bansa ang dadayo sa Calicoan Island sa Guiuan, Eastern Samar, sa Setyembre para sa Calicoan Odyssey Wave 2023, ang second leg ng NextGen Pilipinas Surfing Nationals 2023.

Sinabi ni Kinna Kwan, town municipal administrator, Miyerkules na ang aktuwal na kumpetisyon, ay na nakatakda simula Setyembre 15, hanggang 21, na gaganapin sa ABCD Beach, itinuturing na best surfing site sa Calicoan at kilalang left-handed at right-handed reef breaks.

Ang event ay papalaot sa Setyembre 14, sa pamamagitan ng orientation at beach clean-up at susundan ng opening ng surfing competition kinabukasan. Ang awarding ceremony ay sa Setyembre 20.



Mahigit PH600,000 cash prize ang nakataya para sa winners ng apat na categories ng kumpetisyon.

Bago ang Calicoan, ang first leg ng NextGen Pilipinas Surfing Nationals 2023 ay nakatakda sa Pagudpud, Ilocos Norte mula Setyembre 1 to 7. Ang iba pang leg ng surfing kumpetisyon ay sa Baler, Aurora, Borongan City,Eastern Samar, at Cabugao, Ilocos Sur.



Ang event ay sanctioned ng United Philippine Surfing Association (UPSA), ang national sports body para sa surfing sa Pilipinas, at kinikilala ng Philipine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee bilang regular member.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">