Advertisers

Advertisers

Bebot na-holdap sa gitna ng online ‘live selling’

0 82

Advertisers

ISANG babae ang hinoldap sa kanyang bahay habang naka-live stream ang kanyang pagbebenta sa Laguna.

Sa report, 1:00 ng hapon nitong nakaraang Lunes nang maholdap ng isang lalaking nakasuot ng helmet ang 52-anyos na si Agnes Serafica habang nasa gitna ng kanyang live selling sa kanilang inuupahang bahay sa Sta. Rosa, Laguna.

Makikita sa video ni Serafica na bigla na lamang pumasok ang lalaki at itinaob ang cellphone ng biktima na ginagamit sa live selling at saka siya tinutukan ng baril.



“Nakita ko po na may baril siya, so kaya po dumapa na kami,” sabi ni Serafica.

“Hinihingi po niya ‘yung pera sa’min which is wala naman po talaga kaming pera. Hanggang sa ang kinukuha na lang nilang pilit is ‘yung alahas ko.”



Ayon sa mga ulat, may isa rin kasabwat na nagbabantay sa pinto ng bahay at mabilis na tumakas ang dalawa sakay ng motorsiklo nang matangay ang pitong alahas at ang cellphone na ginamit sa live selling.

Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng lahat ng mga natangay sa biktima.



Sumuko na sa mga awtoridad ang mga suspek at napag-alamang kapitbahay lamang ng mga biktima ang isa sa kanila base sa imbestigasyon ng pulisya.

Ayon kay Lt. Col. Dwight Fonte, Jr., hepe ng Sta. Rosa City Police Station, madalas daw kakwentuhan ng ama ng biktima ang isa sa mga suspek at dito nagsimulang pag-interesan ng mga holdaper ang kanilang naging biktima.

“Nagkukuwento ‘yung tatay na may P3 million daw sa kuwarto, nakatago. ‘Yun ang pinag-interesan base doon sa conversation at chat ng dalawang suspek,” sabi ni Fonte.

Nakabalik na sa live selling ang biktima noong araw ding ‘yon.

“Life must go on. ‘Di po ako pedeng mabuhay para sa nakalipas. Need ko pong mabuhay para ngayon at bukas. Kaya sa inyo po ako huhugot ng lakas maliban sa buo Kong pamilya. Sana po samahan niyo ko na makabangon muli,” banggit niya sa isang paskil.