Advertisers

Advertisers

Nene naglalaro sa ulan, nilamon ng baha

0 90

Advertisers

MISTULANG ipo-ipo ang humigop sa 5-anyos na batang babae habang naliligo sa ulan kasama ang paslit na kapatid nitong lalaki nang tangkain ng una na kunin ang tsinelas ng huli na napadpad sa kanal noong Lunes sa Cebu.

Wala ng buhay ng idating sa Eversley Childs Sanitarium and Gene­ral Hospital ang biktima sanhi ng malaking sugat nitong tinamo sa ulo.

Sa report ng Mandaue City Police Station, 3:30 ng hapon ng maganap ang insidente sa Barangay Jagobiao, habang natagpuan ang katawan ng bata sa Barangay Jagobiao, may 300 metro ang layo sa bahay nito sa nabanggit na lugar.

Kwento ng kapitbahay na si Josephine Abasalo, 58, nakita pa niyang naliligo sa ulan ang batang babae at kapatid nitong lalaki ng biglang anurin ng tubig-baha tsinelas ang nakababatang kapatid na una.

Dahil dito, sinubukan kunin ng biktima ang tsinelas ng kapatid subali’t napunta ito sa kanal kaya kanyang sinundan.

Sa isang iglap mabilis na hinigop ang bata ng tubig-baha patungo sa tubo ng kanal kaya humingi na siya ng tulong sa mga kapitbahay at ipinagbigay-alam sa mga otoridad ang pangyayari.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Mandaue City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) natagpuan ang katawan ng bata sa kabilang barangay at dinala ito sa nabanggit na ospital pero idineklara na rin patay ng umatending doktor.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa mga magulang na huwag pabayaan ang mga anak lalo na ang mga menor de edad na maligo sa ulan para maiwasan ang kaparehong pangyayari.